Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!
"BAKIT MO SINABI?!!"
"Ay ang OA?!! Dalaga?? Inarte ha?! At saka Huwag ka ngang ano diyan Onse! Saka the truth will set you free so should be thanking me noh!" walang kagatol-gatol na sabi sa akin ni Lindsy habang nasa sasakyan niya kami.
Kagagaling lang kasi namin ng school ko, well as usual galing ako sa class ko na awa ng diyos ay patapos na this week. So yun nga, nagpumilit siya na sunduin ako kasi medyo hindi na rin kami nagkakasama ng isang to ,kaya naawa na din ako so pagbigyan na tutal busy din naman siya sa trabaho...and yun nga may importante daw siyang sasabihin.
"You should have asked me first Lindsy! Saka hindi na naman importante yun eh! Kahit pa maganda ang purpose ko nun... hindi pa rin nun mabubura ang fact na iniwan ko siya" sagot ko dito na ikinairap niya
"Alam mo kairita ka! For pete's sake Onse 2018 na ngayon at I cant find the reason bakit ka nagpapakamartyr.. and excuse me? Anong hindi importante?... kaya pala nagpapacute na naman sayo si Cen ngayon...kaya pala the turntables turned for the second time around..at after waiting for long years tinitigasan ka na ulit hahaha" katwiran nito na ikinailing ko.
"Hindi mo ko naiintindihan Lindsy.. yung sa amin ni Cen....tapos na... sinabi niya yun...at ako? Narealize ko na din na baka hanggang doon lang yun" mahina kong sabi dito na ikinapreno ni Lindsy
"POTA!!' Ano ba? Papakamatay?!" Singhal ko sa kanya pero parang hindi man lang natakot ang gaga at mas galit pang suminghal sa akin.
"Eh kung ikaw ang patayin ko?! Hoy Onse wag ka ngang magpatweetums diyan! Hindi ka na teenager para maginarte diyan..ang kakapal na ng bulbul ninyo pero kung maka-asta kayo akala niyo inosente kayo!! Mahal niyo pa ang isat-isa hindi ba pwedeng yun na yun?!! Kaloka kang bakla ka!" Galit nitong sabi sabay bukas ng bintana ng kotse niya dahil kanina pa kami binubusinahan dahil humito talaga ang gaga para lang sigawan ako.
"TANGINA NIYO!! BUMILI KAYO NG SARILI NIYONG DAANAN!" Sigaw nito sabay harurot paalis.
"....takot na ako.." tanging nasabi ko
"Saan aber? Alam mo Onse... medyo nashookt nga ako nang nagmakaawa ka kay Cen noon and hindi ko rin naman idedeny na nagalit ako sa kanya nang ipagtabuyan ka niya pero Onse naman iba na ngayon..." sagot sana nito pero kaagad akong nagsalita
"Dahil alam na niya ang totoo?...Pero hindi ba Lindsy kung mahal niya talaga ako...hindi niya kakayaning makita ako ng ganun? Na nakaluhod para piliin niya? Na makitang masaya siya kasama ang iba... di ba hindi naman ganun?" Katwiran ko naman na ikinatingin din sa akin saglit ni Lindsy
"Pero sinaktan mo din siya before...at pinaramdam niya yan sayo dahil din sa sakit na pinaramdam mo sa kanya. Onse..ginantihan ka niya...yun yun!" Sagot naman nito na ikinahinga ko na lang nang malalim.
Kaya naman pala naging ganun na lang kabilis ang pagbabago ng trato sa akin ni Cen...sinabi na pala ni Lindsy ang totoo. Pero para sa akin naman hindi na yun mahalaga..I mean, ayokong isipin niya na nagpapaawa lang ako..at ang pagkabulag ko should never be an excuse para iwan at saktan siya noon.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.