Mas Tinaktehan 10

6.5K 286 72
                                    

Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!


"Anong ginagawa mo dito Cen?" Kinakabahan kong tanong dito pero nakangisi lang ang gago





"Dumadalaw..." simpleng sagot nito sabay dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay na parang walang paki-alam. Tangina parang ang ulul naman ni Cen ang alam ko ay magkaaway sila ni Kuya Benjie?




"Sandali nga Cen... nandiyan si Kuya Benjie wag ka manggulo dito saka anong dumadalaw? Oy! Wala kang ka-close dito kaya walakang dadalawin dito! Sa bilibid ka dumalaw gago!" pigil ko dito habang hawak hawak ko ang braso niya





"Sus tsansing ka lang Onse eh haha kilala kita. Saka hindi naman ikaw pinunta ko dito eh..si Pareng Benjie. Next time ka na lang kiligin saka ang dadalhin ko sayo sa susunod ay rosas at ang pag-ibig ko" sagot nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.





Takte? Ano daw? Nabasa niyo ba yun? Baka nakakalimutan ng lakaking ito na ipinagtabuyan niya ako..na ipinamukha niya sa akin na may iba na siyang mahal.. gago pala itong isang to eh.




Dahil sa sobrang yamot ay isang batok agad ang ibinigay ko dito.



"Aray ko tangina ha!" Galit nitong sigaw




"Tangina talaga! LUMAYAS KA NGA DITO! Wala akong paki kung bakit ka nandito! Pero bahay ko to kaya layas!" Yamot kong sabi dito







"Luh Onse? Tumigil ka nga.. bahay mo to? Luh baka kay Kuya Jawo o Pareng Benjie..pero sayo? Hindi uy.. wala ka ngang trabaho eh" mayabang nitong sagot na ikinakunot ng noo ko. Tangina parang gago to ha! Nalait pa ako ng wala sa oras! Parang sumobra bigla sa hangin ang katawan after akong supladuhan at saktan.






"Tangina ka ha!" Sabi ko dito sabay batok balewala na kung suntukin niya ulit ako. Tangina nito akala niya ba nakalimutan ko na yung ginawa niyang panununtok sa akin...though mas masakit yung mga sinabi niya nung gabing yun ..hindi ko rin naman madedeny na masakit yung suntok niya.





"Onse sino ba yang kaawa....." tanong sana ni Kuya Benjie pero kaagad na napalitan nang galit ang expression ng mukha niya nang makita si Cen sa loob ng bakuran namin.





"NAGHAHANAP KA TALAGA NG SAKIT NG KATAWAN NOH?!!" Galit na sigaw ni Kuya Benjie kay Cen na bigla nang nagtago sa likod ko.




"Hep hep Pareng Benjie!! Kalma naman oh!! May dala ako baka matapon!" Pigil ni Cen kay Kuya Benjie habang nakatago pa rin ito sa likod ko.




"Wala akong pakialam gago! Onse umalis ka nga diyan nang masampolan ko ulit yang ungas na yan" galit na sigaw ni Kuya Benjie sa akin. Tangina bakit ako yung sinisigawan nito?



"Pre kalma naman oh! Peace offering tong dala ko saka namimiss na kitang kalaro ng basketball pre. Kalma naman oh!" Pagpapa-amo ulit ni Cen



"GAGO!! Wag mo akong utuin Cen!!" Sigaw ulit ni Kuya Benjie





"Sandali nga!! Punyeta eh. Ang iiingay! Bawal kayo tumira sa village at subdivision niyan eh. Oh Kuya Benjie bugbugin mo na yang ulul na yan!" Singit ko sabay pasok sa loob ng bahay. Bahala na silang magpatayan doon magaalmusal na lang ako.




Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon