Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong.."Tiktilaok!!!"
Pota ang ingay ng manok!
"Tiktilaok!!!"
"Patahimikin niyo yang manok niya baka gawin kong tinola yan ha!" Sigaw ko habang nakapikit pa rin at pilit binabawi ang tulog ko. Anong oras na ba at at parang tumatagos na ang init ng araw sa kumot ko? Sarap sarap pang matulog eh.
"Onse! Gising na!" Katok ni Kuya Jawo mula sa labas ng kwarto ko
Hay naku. Hindi na nga ako nagtatrabaho pero tuloy pa rin sa panggigising nang maaga tong si Kuya Jawo. Tatayo na sana ako para bumangon nang magulat ako dahil...sobrang dilim pa rin ng paligid ko. Takte madaling araw pa lang ba? Pero bakit ginigising na ako ni Kuya Jawo? Kinakabahan man pero pilit kong kinalma ang sarili ko.
"K...kuya...a..nnong oras na?" Kinakabahan kong tanong kay Kuya Jawo na nasa labas pa rin ata mg kwarto ko.
"Ha?...alas-nwebe na ng umaga Onse. Tangahli na! Ano bang nangyayari sayo?" Takang tanong nito habang ako naman ay napayuko na lang sa kinauupuan ko at pilit pinigil ang pagtulo ng luha ko.
"Ss...unod ak..o" pigil na pag-iyak kong sabi kay Kuya Jawo
Ito na yung araw na sinasabi ko. Wala na. Nasayang na nga lahat ng effort nila Kuya dahil dadating at dadating pa rin ako sa ganitong dulo. Kahit na alam kong mangyayari ito ay ilang beses ko pa ring pinikit at minulat ang mata ko,kinuskus pero wala talaga eh. Tuluyan nang nilamon ng dilim ang paningin ko. Ito na yung araw na kinatatakutan naming lahat...
Afte nang ilang minuto kong pag-iyak ay nag desisyon na din akong tumayo. Hirap at naging maingat ako sa pagkilos ko,dahil literal na blankog kulay itim lang ang nasa paningin. Yung pakiramdam na nanlulumo ka dahil ramdam mo ang sinag ng araw pero hindi mo man lang ito makita. Kung susumahin umabot ata ko nang mahigit sa pitong minuto para lang marating ang dining namin.
"Oh Onse! Nandiyan ka na pala. Bat ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay dito oh" Dinig kong tanong ni Kuya Jawo habang ako naman ay nakatayo lang pilit inaalam kung saang banda ito nakatayo.
"Kuya hahahaha. Wala na eh. Bulag na ako" tumatawa pero umiiyak kong sabi dito
Mahigit dalawang minutong namayani ang katahimikan habang pilit ko silang pinakikiramdaman.
"Hahahahaha tangnang yan..Bulag na ako Kuya..bulag na ako hahaha" umiiyak kong sabi at naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin
"Wag kang matakot tol.hindi ka namin iiwan" dinig kong sabi ni Kuye Benjie habang tuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Kuya...bulag na ako... wala na. Ayoko na kuya" umiiyak ko pa ring sabi habang si Kuya Benjie na lang ang nadidinig kong nag-aalo sa akin.
Jawo's POV
Bilang panganay ng mga Dimagiba inako ko na ang tungkulin at responsibilidad na alagaan at protektahan sila lalo na yang si Onse. Hindi kasi katulad ng ibang mga bata..lumaki si Onse na sinasarili lahat ng nararamdaman niya, pilit niyang tinatago lahat sa pagiging pilosopo at maangas pero sa loob nun ay ang mahina at maraming katanungang bata.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.