Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for this super duper late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story. I am really trying my best guys na mag-update its just that sobrang hirap maging graduating atudent so sana bare with me.
I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat! Dalawang chapter na lang and tapos na po ang story na ito so ngayon pa lang I am thanking you guys for supporting this! Salamat!
Pota hindi ko alam pero simula kagabi hindi na nawala yung kaba ko. After kasing may pumunta sa bahay ay kaagad ding umalis si Cen, well sabi niya wag daw akong mag-alala at baka kamag-anak lang nila from Cebu. Hindi na din naman ako nagbalak sumunod dahil yun din ang sinasabi ng instinct ko. Pero ewan ko ba kasi I cant help but feel worried...tangina naman oh!
"Hoy Onse bumangon ka na diyan! Anong oras na nakasalampak ka pa diyan!! Huy!!" Katok ni Kuya Benjie mula sa kwarto ko kaya lumabas na din ako.
"Alam mo ikaw dapat nag-aaral ka nang gumising ng maaga eh! Bukas maguumpisa ka na sa trabaho mo kaya tumino-tino ka ng bata ka" sermon agad nito na hindi ko na lang pinansin. Pota bakit parang may kulang?
"Si Cen?" Out of nowhere na tanong ko kay Kuya kaya kaagad ako nitong binigyan nang malokong tingin
"Ayan tayo eh! Pag wala hinahanap,pag nandiyan pinapaalis. Ewan ko kung nasaan yang syota mo baka nagbabasketball or worst baka nambababae hahahaha" sagot nito habang nagtitimpla ng kape
"Daming sagot noh? Hindi mo rin pala alam eh, gusto mo lang makadami ng dialogue eh! Ewan ko sayo" inis kong sabi dito habang nakatingin sa cellphone ko.
Pota ano nga bang inaasahan ko? Hindi nga pala kami nagtetext ni Cen dahil magkalapit nga lang kami ng bahay at parehas di kaming kuripot pagdating sa load kaya yun na lang din ang napagkasunduan namin.
"Kung hinahanap...puntahan.. lagi ka na lang kasing pa-Cinderella diyan eh" parinig ni Kuya Benjie na sinamaan ko na lang nang tingin sabay alis.
Oo na! Oo na! Pupuntahan ko na! Nyeta kayo ,inuutusan niyo din akong puntahang yang Cen na yan alam ko! Ang init init pa naman.
"Aling Ninay si Cen ho?" Bungad ko kay Aling Ninay na kasulukuyang nagtatakal ng mantika ngayon. As if naman may bibili niyan eh meron na kayang nasa sachet ngayon..ewan ko ba dito kay Aling Ninay.
"Nasa loob Onse...pumasok ka na lang" sabi nito habang nakaconcentrate pa rin sa hawak niyang imbudo.
So yun na nga? Iisa-isahin ko pa ba? Hahaha pumasok na nga ako ,pota ang kalat ng bahay nila ha! Very bodega naman pala ang datingan. Dahil wala naman akong mahihita kakalait sa bahay nila ay dumiretso na lang ako sa kwarto ni Cen. Alam ko naman na masusurpresa itong si kulugo kaya bigla ko na lang binuksan yung tipong pasira na yung pinto..ganun.
Pero hindi ko alam pero mukhang ako ata ang nasurpresa. Tangina sa lahat ng mga tangina pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.
"...Onse?"
Gulat na bungad nito na mukhang katatapos lang ayusin ang higaan ni Cen.
Si Kara...
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.