Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for this super duper late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story. I am really trying my best guys na mag-update its just that sobrang hirap maging graduating atudent so sana bare with me.
I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!
"Sandali wag kang magulo..babatuhin kita nitong sapatos eh! " reklamo ko habang nagsisintas ng sapatos. Takteng sapatos to ang habang ng sintas.
"Kanina pa kasi ako naghihintay dito eh. Saka wag ka na nga masyadong nag-aayos, takte ka mapapaaway pa ako niyan eh. May syota na ang dami pang arte" sagot nito habang nakasimangot. Pasalamat ka talaga Cen at mahirap magsintas dahil kung hindi ikaw ang itatali ko. Dami satsat eh.
Oo nga pala bati na kami! Kasi nga di ba may paharana pa si kulugo kahit hindi naman talaga ako nagandahan sa boses niya. Naintindi ko na naman siya at narealize ko na baka nga nagioverthink lang ako at tama nga naman siya na malayo pa naman yung kasal kuno. And about doon sa nagdedeliver ng pizza..dont worry binayaran ni Lindsy yun and unfortunately nakikain pa si Cen sa pizza so nabadtrip din agad ako..hindi naman siya kasama sa bilang eh.
Back to reality na tayo..so yun nga! Takte lalaking ito though lalaki din ako..kanina pa ako pinagmamadali akala mo naman lakad niya ang pupuntahan namin, eh ako lang naman ang nagsama sa kanya.
"Oo na.. simangot simangot ka pa diyan eh lalo ka lang pumapamgit eh! Pangaasar ko din dito.
"Baka pangit! Tangina kung pangit ako ani pa yung mga tao sa labas. Ako pangit? Hahaha patawa ka" Sagot nito
"Talaga!" Asar ko ulit
"Mahal mo naman" sabi nito
"Oo naman hahahaha" sagot ko sabay dirty finger sa kanya. Tangina nasingit pa namin yung kalandian namin eh.
Well ang totoo naman talaga niyan...kaya matagal akong nawala ay naghahanap ako ng trabaho.(sige ilusot mo pa author) And today..first interview ko sa isnag ad agency na pinag-applyan ko..actually dito lang ako nag-apply dahil secret naman talaga ang pag-apply ko. Wala na dapat akong balak sabihin ito kay Cen kasi alam ko naman na basag trip lang to eh, lalo na noong tinawagan na ako for my first interview pero dahil nga madaldal si Kuya Benjie...eh di nalaman niya din... sarap talagang magshare ng secrets sa kapatid ko noh?
Nyeta din kasi itong si Cen eh..ayaw niya na akon pagtrabahuhin dahil nga daw baka bumalik yung sakit ko. Kesho kaya niya naman daw akong buhayin...eh gago pala siya eh! Hindi naman ako patay. Kesho mapapagod lang daw ako...Basta ayun ang daming rason ni gago...pero Syempre ipinilit ko na hindi naman pwedeng umasa na lang ako sa kanya o sa mga kapatid ko habang-buhay. Saka sayang naman yung pinag-aralan ko kung magiging patabaing baboy lang ako sa bahay. I need to grow! I need to flourish! I need to spread my wings like a butterfly! Ganun!
"Sige magpalate ka pa para lalong hindi ka matanggap..gusto ko yang ginagawa mo" seryoso nitong sabi habang hawak-hawak niya ang bag ko. Very service man naman pala si Cen.
"Sandali nga! Natotorete na ako sa kasungitan mo Cen ha para kang librarian!" sagot ko dito habang sumasakay kami sa uber na kanina pa pala naghihintay sa labas ng bahay. Coding kasi sasakyan namin kaya nag-uber na lang kami.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.