Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!
"Onse ano ba tanghali na nakihalata ka pa rin diyan?!! Bangon na ano ba?!" Malakas na sigaw ni Kuya Benjie mula sa labas ng kwarto ko.
Takte naman tong si walking sketchpad eh! Linggo ngayon pero kung makagising daig pa ang lunes eh.
"Wala akong pasok !! katihimikan please. Awa mo na naman oh! Shatap!!" Yamot kong sigaw dito sabay hagis sa pintuan ng alarm clock ko bahala na kung masira daig pa ng bungana niya yung alarm ko eh.
"Hoy Onse baka nakakalimutan mong may lakad ako ngayon?! Walang magbabantay dito sa bahay!" Ganting sigaw din nito kaya yamot na din akong tumayo mula sa payapa at matiwasay kong pagkakahilata. Fur sure naman walang balak yan huminto eh! Takte bakit kasi kailangang bantayan yung bahay eh, hindi naman yan umaalis.
"Baka naman kunwari ka lang na magbabantay dito ha? Tapos mamaya aalis ka din..tangina ka kilala ko ang mga style mo Onse. Kung siraulo ka na dati mas siraulo ka ngayon!" Litanya na naman nito habang kumakain ako ng pandesal.
"Huwow! Iba naman pala ang level ng tiwala mo sa akin eh! Nakakasakit ka na Kuya Benjie. Nyeta ka!" Maarte kong sagot dito na hindi na nito pinansin dahin kanina pa siya nagdodoublecheck ng mga dadalhin niyang papeles. Papunta kasing immigration si Kuya Benjie dahil lately lang ay pinayagan na siya ni Kuya Jawo na mangibang-bansa kaya yun nagstart na din siyang mag-ayos ng papers. Ewan ko siguro natauhan na si Kuya Jawo na malaki na ako at hindi ko na kailangan pa ng bantay hahha nakakaamoy talaga ako ng Freedom kung nagkataon.
Wala namang espesyal sa araw na ito bukod na lang sa pagtingin ko sa salamin at nakita ko ang napaka-amo kong mukha. Well thats life hahaha. Ang bilis din talaga ng panahon dahil halos magdadalawang-buwan na din ako sa crash course ko and so far ayun..crash na crash nga ang utak ko. Hahaha biro lang. So far nageenjoy naman talaga ako at sobrang dami kong natutunan. Lagay ng puso ko? Okay naman...I mean nasa proseso wag lang maiistorbo para tuloy-tuloy na ang moving-in process ng taon.
"Tao po tao po!!" Sigaw ni Hansel sa labas ng bahay namin habang nakadungaw ako at nagkakape.
"Wag ka nang maginaso Hansel, kunwari ka pang sisigaw-sigaw diyan eh" sagot ko dito na ikinatawa naman nito sabay kamot sa ulo niya. May itsura to si Hansel eh kaya lang mukhang hindi pala shampoo eh. Very wrong yun pre.
"Oh bakit ka napabisita? Tangina baka poporma ka na naman sa akin ha? Ekis agad pre ,umuwi ka na lang at baka mabigwasan pa kita" diretsahang salubong ko dito na sinimangutan lang nito.
Ilang beses na kasi itong nagsabi na baka pwede ko daw siyang bigyan ng pagkakataon pero dehins talaga mga lodi eh. Basta malabo saka wala muna sa utak ko ang makipagrelasyon siguro Fubu Fubu muna hahaha pero syempre joke lang.
"Grabe Onse alam ko na naman , araw araw mo na lang ba ipapamukha sa akin ang pambabasted mo?" Asar talo nitong tanong
"Luh Hansel tumigil ka, hindi ka nabasted dahil una pa lang hindi na naman kita pinayagang manligaw eh" sabi ko dito na ikinangiwi lang nito. Pero diaclaimer na din mga tsong baka naman isipin ninyo na ang sama sama ko dito kay Hansel, biruan na lang namin ito ngayon dahil tanggap na naman daw niya at nandito pa rin naman daw siya bilang kaibigan ko. Pota drama niya noh.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.