TMK 7

7.5K 375 98
                                    




Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.


So far Im really loving your support sa bagong story ko na ginagawa ko lang tuwing wala ang supervisor ko haha ojt problems. Dahil diyan tapos na ang first half ng story ,alam niyo naman style ko! Again thank you sa pagsuporta kahit alam naman natin na hindi ganun kaganda ang plot ng story pero kinakagat niyo pa rin. Salamat!



"Alam mo kung ibang tao ako iisipin ko talaga na may sapak ka Onse our Unica Iha, the one and only princess of Dimagiba Family" pang-aasar sa akin ni Kuya Benjie habang nasa sala ako



"Alam mo kung ibang tao din ako iisipin kong adik ka! The one and only abnormal in the Dimagiba family" ganti ko naman dito



"Asus. Napansin ko lang naman. Masyado ka namang gigil " nakangisi nitong sabi sa akin



"Tigilan mo ako Kuya Benjie, hindi ka naman tao eh. Walking Sketchpad ka! Maka-asar ka sa akin akala mo naman ang perpekto mo! " Ganti ko dito sabay takbo papasok ng kwarto ko para maghanda sa pag-alis namin ni Cen mamaya.




Noong isang araw pa akong niyaya ni Cen na lumabas, at dahil nga nagkataon naman na wala akong pasok ngayon at wala ding lakad ay napa-oo na lang din ako. Medyo nasasanay na din kasi ako sa pangungulit ng gagong yun kaya kung minsan ay medyo hinahan...... mali mali mali... Hindi I mean kaya minsan hinahanap-hanap ko na ang peace of mind bilang mag-isa. Sa kabilang banda naman tuloy pa rin ang pagsupport ni Kuya Jawo sa amin, naroong kakamustahin niya kami sa relasyon kuno namin ni Cen. Minsan nga ay naabutan ko pang nagiinuman ang tatlo dito sa bahay. Halatang close na close na nga si Cen sa mga kapatid ko, kung alam lang nila na puro kasabawan lang ang lahat. For sure yari kang Cen ka! Pati pala ako



"Unica iha!! Hinahanap ka na ng syota mo. Labas na daw diyan! Hinahanap ka na ng Romeo mo!" sigaw ni Kuya Benjie sa labas ng kwarto ko kaya dali dali na akong nagbihis.



Takte bakit natetense ako? Hindi naman ako ganito kahirap mamili ng damit ha? Onse! Kalma,wala lang yan baka nasobrahan lang ako sa kape kanina kaya ako nagkakaganito. Oo ganun lang yun wala ng iba.



Pagkalabas ko ng kwarto ko ay naabutan ko doon si Cen na masayang kausap si Kuya Benjie. Pormadong pormado din si gago na nakapolo pa, akala mo naman ninong siya sa binyagan.



"Tara na, para makauwi agad" bungad ko dito sabay diretso palabas ng bahay



"Sige Kuya Benjie una na kami ng babe ko hahaha mukhang may dalaw ngayon eh" nangaasar na paalam nito sa kapatid kong kulang din sa buwan.



"Sige lang pre! Gumamit kayo ng proteksyon ha!" Ganting sigaw ng Kuya ko bago sila nagtawanan.



"Ikaw din Kuya gumamit ka ng injection malala na yang rabies mo" sigaw ko naman dito. Proteksyon proetksyong pang nalalaman eh yung safeguard ng hindi man lang mapatay-patay yung 0.1% na germs na yun eh.



Dahil nga bigtime ata si Gago ngayon ay nagpabook pa ito ng grab papunta sa Mall na pupuntahan namin. Syempre pabor sa akin yun dahil mahirap kaya ang magcommute ngayon.



Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon