Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.Kaagad kaming lumabas nang bahay partida nakaboxer shorts lang ako at tama nga ang sabi ng kapatid kong scetchpad nandoon nga sa kanto nila si Cen na mukhang lasing na lasing hindi pala mukha...literal. Nagkalat din ang mga basag na bote doon samantalang nakatingin lang ang mga tropa nila ni Kuya Benjie at pawang takot lumapit kay Cen.
"Oh! Pareng Cen nandiyan na pala si Onse eh" dinig kong sabi ng isa sa tropa nila
"Hala! Lagot ka Onse!! Lagot!! Lagot" sabay na sabi ng mga ito sa akin kaya pinaulanan ko sila ng dirty finger ko. Mga gago to ah! Tinatakot pa ako. Akala naman nila matatakot ako. Kararting ko lang pero bakit ako? bakit parang kasalanan ko? , Oo Bobby!! Kapatid kita pero inggit na inggit ako sayo!..punyeta nasali na ang linyahan sa four sisters and a wedding.
"Anong ginagawa mo dito?!!" Sigaw sa akin ni Cen kaya medyo natakot naman ako mabuti na lang at nandito si Kuya Benjie at least kahit ganito ito may panangga ako.
"Akala ko ba ayaw mo na?!" Sigaw ulit ni Cen na ikinakunot naman ng noo ko. Tangin*ng to napaka arte! Akala mo naman hiniwalayanng sy.... nanunuod lang ako dito tapos galit na galit agad siya? Hindi ba pwedeng nagiistar-gazing lang ako? O di naman kaya ay moral support sa kanyang pagwawala?
Saglit kaya ba siya nagkakaganito dahil sa pagkalas ko sa peke naming relasyon.
"Ano bang paki mo kung nandito ako? Gusto ko manuod ng gagong naglalasing eh. Lakas mo makabasag ng trip ha?! " ganting sigaw ko din dito dahilan para pitikin ni Kuya Benjie ang bunganga ko.
"Hindi ka nakakatulong Onse! Alam mong lasing eh,namimilosopo ka diyan. Sana bugbugin ka niyang hayop ka" bulong nito sa akin na tinignan ko na lang. Coming from him naman akala mo ang laki nang naitutulong niya. Mas lalo pang nagwala si Cen dahilan para lumabas si Aling Ninay na tiyahin niya mula sa labas ng bahay nila.
"Cen anak ,ano bang problema?" Umiiyak nitong awat kay Cen na nakaupo na ngayon sa bangketa
"Tang*na!!! Walang nagmamahal sa akin!!! Iniwan na ako ng lahat!!! Tsanggalang buhay to" sigaw ni Cen habang ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko Iba din itong si Cen eh, gusto pa atang talunin si Coco Martin sa breakdown scene niya. Basta hindi ako guilty! Baka naman nag-away lang sila ni Ria kaya yan nagiinarte nang ganyan.
"Anak naman, maawa ka naman sa akin pinagaalala mo ako eh. Bukas na bukas din kakausapin natin si Ria" sabi ni Aling Ninay na ikinatango ko naman naman mula sa malayo. Magadang suggestion yan Aling Ninany,push mo yan. Patuloy ako sa pagtango at paalis na sanan nang biglang sumigaw na naman si Cen
"HOY SAAN KA PUPUNTA HA?!!! PAGTATAGUAN MO NA NAMAN AKO?!! TSANGGALANG TO! WALA MAN LANG PAGMAMAHAL SA AKIN!!!" Sigaw nito na ikinalaki naman ng mata ko habang ang mga tropa naman nila ni Kuya Benjie ay nakatingin sa akin na parang nakakagago sabay sigaw ng
"YIEEEEE"
"Onse ano ba?! Kailangan ka dito! Mamaya ka na umalis" singhal sa akin ni Kuya Benjie na inaalalayan na si Cen
"Ha? Bakit parang kasalanan ko? (Bea Alonzon's voice) saka malaki na yan Kuya Benjie, nag-away lang yan ng syota niya kaya yan ganyan" sabi ko naman habang kinakamot ko ulo ko.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.