TMK 21

5.5K 288 26
                                    




Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong..




Sa mga nalaman ko tungkol kay Cen napagtanto ko..wow lalim! Basta narealize ko na mahalaga ang pag-unawa sa isang relasyon. Oo parang gago pakinggan pero napag-isip-isip ko na dapat hindi lang kapakanan o ang mararamdaman ko ang iisipin ko. Dapat patas,tabla ,balanse..ganun dapat! Tengene narealize ko din na ang kupal ko sa pagpapabebe, nakakaawa tuloy si Cen. Kaya yun todo suporta na ako sa kanya ngayon. Hindi naman sa gustong gusto ko na siya paalisin pero this time around ang maipapangako ko lang ay ang pagunawa ko sa mga desisyon niyang gagawin...takte lakas ko namang maka-nanay dito



Dalawang linggo matapos ang pag-uusap namin ni Cen ay napilit ko na din siyang ituloy ang pagpunta sa America. Dahil na rin siguro sa paglaki ko nang hindi man lang nakasama si Mama na namatay noong dalawang taong gulang pa lamang ako, ay mas naisip ko na dapat ay mas pahalagahan ni Cen ang makasama ito lalo na sa mga ganitong punto. Saka wala naman siguro dapat ikatakot eh....sana..



"Angas! Aalis ka na sa isang linggo Cen!! Baka bigla kang manahimik doon dahil ingles ang salita doon. Tangina behave ka doon for sure!" asar ko dito habang nandito kami sa kwarto niya.




Pero hindi man lang ako pinansin ni gago at humiga lang nang patalikod sa akin. Takte ang OA naman nito!




"Hoy Cen anong pagiinarte yan?! Bibigwasan kita eh! Hindi bat pinagusapan na natin ang tungkol dito?" Sabi ko dito habang pilit ko siyang pinapatihaya.




"Tsanggala ka Onse! Masaya ka pang aalis na ako eh! Bangis mo din eh!" Nakasimangot nitong sagot sa akin matapos niyang umupo paharap sa akin. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ko si Cen


Lakas naman ng gagong to! Hindi niya lang alam kung gaano kasakit sa akin ang lahat nang nangyayari. May nagmahal bang natuwa dahil magkakalayo sila ng mahal niya? Wala naman di ba?!



"Gwapong gwapo ka na naman sa akin, sabagay wala ka nang makikitang ganito kagwapo sa Pinas! Pag umalis ako lagi akong tatawag sayo ha,fb,messenger,skype kahit long distance pa yan! Tapos dapat hanggang tingin ka lang sa nga chix ha! Lalong hindi ka pw....." mahabang bilin nito




"Mamiss kita Cen" malungkot kong sabi dito kaya bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit


Pota ito yung mga eksenang iniiwasan ko eh! Pero wala eh! Hindi naman maiiwasan dahil maglokohan man kami o hindi ...eh alam naman namin na nalalapit na ang pagkakalayo namin.




"Mas maminiss kita Onse. Iniisip ko pa lang na matagal tayong hindi magkakasakama tang*na sobrang sakit na eh. Takte nadudurog puso kong gago ka!" Umiiyak nitong sabi





Para lang kaming sira-ulong naglambingan ng araw na yun. Asaran,kaltukan at batukan halos mapuno nang sigawan at tawanan ang kwarto ni Cen para ngang wala ng bukas eh...pero alam namin na may hangganan ang araw na ito. Takte lakas ko tuloy maka-teleserye ngayon dahil sa dialogue ko!




Pero walang biro lagi ko mang inaaway at binabatukan si Cen ay sure akong maninibago ako sa oras na umalis na siya. Sa Almost tatlong buwan na naging kami ay napatunayan ni Cen sa akin na totoo ang pagmamahal niya making me forget lahat ng iisipin ng iba. Parang sa isang iglap tinuruan niya akong sundin ang nasa puso ko at kalimutan ang sasabihin ng ibang tao. Medyo gago man siya pero ang lakas ng impact niya sa buhay ko. Basta alam mo yung tipong pagkagising ko presence niya na agad ang nasa isip ko imbis ang magsipilyo...bad influence siya sa hygiene ko in short pero nakakabuti naman siya sa heart ko...pwe! Corny ko ulul!




Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon