TMK 24

5K 258 27
                                    



Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong..


"Onse okay ka lang? Bakit parang binubulate ka diyan? Tsk tsk sabi ko sayo magpurga ka eh. Halatang kadiri sa katawan ha" asar sa akin ni Kuya Benjie habang nag-aagahan kami.



"Ahhh...o..okay lang" utal kong sagot dito habang ibinabaling ko ang atensyon ko sa pagkain.



"Benjie tigilan mo ang pang-aasar nasa harap tayo ng pagkain. Onse makiki-abot nga nung pitsel" pakiusap ni Kuya Jawo pero nang kinukuha ko ito ay nagulat na lang ako dahil hindi ko ito mainanaw at mahawakan. Parang nagblur ang paningin ko at tanging liwanag lang mula sa labas ng bahay ang naaninaw ko.



Dalawang linggo na after ng check-up at ngayon unti-unti ko nang nararamdaman yung ibang symptoms ng glaucoma. Takte! Hindi ko maiwasang hindi matakot! Bakit kasi sa mata ko pa eh?! Ayoko rin namang sabihin ito kay Kuya Jawo dahil ginagawan ko na naman ng paraan sa pamamgagitan nang pag-inom ng gamot.  Pero hindi eh! Habang lumilipas ang araw mas lalo lang naguumpisang lumabo ang mata ko.



"Onse ano na? Ang bagal mo naman" paepal ni Kuya Benjie




"...o..o saglit kang" sabi ko dito habang kinakapa ko yung mesa papunta sa pitsel dahil sa bigla na lang panlalabo ng mata ko.




"Onse...?" Tanong ni Kuya Jawo




"Oh? Sandali lang..." sagot ko pa sana nang bigla ako nitong hilain papunta sa sala.




"Hindi bat sinabi ko sayo na kung may mararamdaman kang hindi maganda sa mata mo ay sasabihin mo sa akin!" Seryoso nitong tanong sa akin



"Wala naman Kuya eh! Okay lang ako medyo nasilaw lang ako kanina " dahilan ko dito



"Ano bang nangyayari Kuya? Onse?" Singit na tanong ni Kuya Benjie na nakasunod pala sa amin.



"Tapatin mo nga kami Onse! Mga kapatid mo kami! Ano bang nangyayari sayo? May itinatago ka ba sa amin ha?!" Bulyaw ni Kuya Jawo habang ako naman ay tahimik lang na nakayuko.



"Onse? Pagkatiwalaan mo naman kami..." dagdag ni Kuya Benjie


"May sakit ako.....glaucoma" nakayuko kong sabi



"Tang*na!!" Dinig kong sabi ni Kuya Jawo



"Namana ko daw ang sakit ni mama. Mabubulag din ata ako tulad niya. Tsanggla nga eh!" dagdag ko pa habang pilit kong nilalabanan yung pagtulo ng luha ko. Takte kasi eh! Ang pangit naman kung iiyak ako! Hindi pa naman ako mamatay...baka nga lang mabulag.



"Tol wag ka naman agad mag-isip nang ganyan" dinig kong sabi ni Kuya Benjie



"Ayoko mang isipin pero takte! Doon din punta nito eh hahaha hindi ko na makikita yang mukha mong nakakabadtrip Kuya Bejie" tumatawa kong sabi nang biglang magdabog si Kuya Jawo



"HINDI! HINDI KA MABUBULAG! Walang mabubulag" sigaw nito kaya yumuko na lang ako.


After nang paguusap na iyon ay kaagad akong niyaya ni Kuya Jawo na bumalik sa Ospital para muling makapagpatingin. Parehas na din kaming hindi nakapasok sa kanya-kanyang naming trabaho dahil sa kagustuhan nito na makausap yung doktor ko. Takte ! Sawa din ako sa sermon habang papunta sa Ospital kesho daw kelan ko balak sabihin? Bakit daw kailangang ilihim? Kung gusto ko daw ba talagang mabulag? At kung anek anek pa. Hay naku parang mas nakakatakot ang sermon ni Kuy Jawo kesa sa mabulag ako eh.



Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon