Chapter Two

31.6K 373 20
                                    

Ano ngayon ang gagawin ko dito?  Kainis! Bakit pa kasi ako nahigh-blood kagabi? No choice ako kundi labhan ‘to. I nutusan ni Mama lahat ng katulong sa bahay namin na h’wag daw akong tulungan. Yun daw ang punishment ko dahil ako naman ang gumawa ng sarili kong kahihiyan.

Andito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Sa likod. Andun kasi lahat ng mga materyales para sa panlabada.

Nag-google pa talaga ako para lang makita kung paano labhan ang trubenize at necktie na namantsyahan. Effective naman. Naglagay ako ng powder sa washing machine. Tinamad akong magkusot e. Para malusaw ang mantsa, pina-ikot ko sa no. 6. Then, after that, Pinalipit ko at dinowny ko pa, ha? Mahirap na... Baka may masabi pa siya. Sinampay ko ito. Grabe. Napakod ako. Ang hirap palang maglaba?

Kinabukasan, tinignan ko kung tuyo na ba. Nung tuyo na nga balak ko naman siyang plantsiyahin. Nung una kinabahan ako kasi what if masunog? Pero kailangan ko ng gawin kaya ginawa ko naman. And thank God, hindi nasunog!

Ang hirap rin palang magplantsiya. Ang sakit sa likod. Hinanger ko naman ang trubenice at sa loob nun ang necktie. Kahit tanghaling tapat, sumugod ako sa bahay niya.

I pressed the doorbell. Katulad ng dati, walang sumasagot. Hindi ko naman ugaling pumasok ng hindi nagpapaalam kaya naghintay ako dun.

Sa wakas at may nagbukas ng pinto. “Ow. Ikaw pala yan. Ikaw yung nagbigay ng cake diba?” Then he smiled na parang aso. Ito yung matapang ang hiyang kinuha agad-agad yung cake.

I plastered a smile on my face. “Asan ba yung lalaking maraming tattoo sa dalawang braso?”

“Ah. Si Eros ba?” So Eros pala ang name niya? Psh. Whatever.

“Oo, yun.”                  

“Saglit lang,”

“Eros, may naghahanap sayong chick!” Sigaw niya. Chick ba ko? Duh!

Naaninag ko na si Eros at dumating sa may front door. Kagaya ng dati, pawisan ulit siya at gulo-gulo ang buhok.  “Ikaw na naman?” He said huskily. Ba’t ba ang sexy niya? I shooked my head. Perv.

I smiled. Tapos binigay ko na sa kanya ang kanyang trubinize at necktie. Pero di niya tinanggap.

“Ano ba? Nangangawit na ko. Di mo ba ‘to kukunin?” Kainis. Nilabhan at pinlantsiya ko pa naman ‘to.

“Hindi na. Just throw it away if you want.” Whaaat?

“Pardon?” I asked. “Sabi ko, itapon mo nalang yan kung gusto mo.” Sasarahan na sana niya ako ng pinto pero sinabat ko ng braso ko. Ouch. Pero di ko pinahalata. Like Duh! Para san pa’t nagpakapagod ako dito kung hindi niya rin ‘to tatanggapin.

“Hoy, ikaw! Kung hindi mo lang rin pala to tatanggapin, bakit nag-iskandalo ka pa nung isang araw? Baliw ka ba?” Nakakapikon na kasi ang lalaking ito. Di porke may tattoo siya natatakot na ko sa kanya. Di nga ba?

“CAN’T YOU SHUT UP? I SAID THAT JUST THROW IT AWAY! BA’T BA ANG KULIT MO?!” Oh my goodness. Nakakatakot siyang sumigaw. Para siyang halimaw. Mas 100x pa siyang matapang sa kin pag nagiging bitch ako. Tinignan ko ulit siya. Magkasalubong ang dalawang kilay niya. Bakas ng galit ang kanyang mukha. Urgh. What if saktan niya ako? What if-------

Pero infearness, ang gwapo niya parin pag galit siya. I shooked my head. What am I thinking?

“Sorry.” I almost murmured that word. I mean, syempre hindi ko naman siya kilala tapos sisigawan niya ko ng ganun. Nakakatakot kaya.  I felt offended and scared.

Isang malakas na tunog lang ang narinig ko. He shut the door. Kung ayaw niya, edi wag. Sabi nga nila diba, wag mong pilitin ang ayaw. Pero dahil matigas ang ulo ko, iniwan ko nalan ito dun sa may window niya. Isinabit ko dun. Wala naman kasi akong mapapala sa trubenize at necktie niya e.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon