Chapter Thirty-Nine

23.5K 317 8
                                    

A/N: Hindi edited. Sorry.

===============================================

“A-Adrian?” Tanong ko ng gulat na gulat.

“Narinig mo ang pinag-usapan namin ng ate ko?” Tumango siya ng marahan. Nakita ko ang galit sa mukha niya. “Gab, napakatarantado ng asawa mo.” Aniya.

“H-Hindi ko na asawa ang hayop na ‘yon. Divorced na kami.” Sabi ko.

Agad akong umupo sa sala. “Pero Gab, may karapatan pa rin siyang malaman ang tungkol sa baby niyo—“

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. “Karapatan?! Baby ko lang ‘to. Alam kong nagpapakamakasarili ako pero wala talaga siyang karapatang malaman ang tungkol sa anak ko. At isa pa. Sa tingin mo kung sinabi kong buntis ako, ano?  Tatanggapin niya ba ang anak ko? I bet no.” May tumulo na namang luha sa ‘king pisngi.

“I’m sorry.” Sabi niya saka niya pinunasan gamit ng daliri niya ang luha ko.

“You don’t need to do that.” Sabi ko at inalis ang kamay niya sa pisngi ko.

“I’m okay.” Utas ko.

---

Lumipas ang ilang buwan at naging komportable ako sa presensya ni Adrian. Para ko na siyang kapatid. Siya at ang ate ko na nasa London nalamang ang pinagkakatiwalaan ko. “Ang laki-laki na ng tiyan ko. Ang pangit-pangit ko na.” Sabi ko ng naiiyak na. Ngumisi siya sa ‘kin at nilapitan ako. “Ano ka ba? Hindi ka pangit. Youre still sexy. Tiyan mo lang naman ang lumaki.” Sabagay. Sabi nga ng mga kapit-bahay namin, sexy’ng buntis daw ako.

“Pero—“

“No, buts. By the way, I made a chocolate cake for you.” Nag-lighten up ang hitsura ko sa sinabi niya. “Talaga?”

“Yup. Baka mamaya maging black african ang anak mo dahil sa pagkain mo ng chocolate cake, ah?” Hinampas ko ang braso niya. “Hindi ‘noh! Nasa genes naman kung anong hitsura ng baby.” Natigilan kami pareho sa sinabi ko.

“Edi may chance na maging kamukha yan ni Rage.” Nagsalubong ang dalawa kong kilay. “Hindi ‘noh! Wala siyang baby dito. Akin lang ‘to.” Saka ko hinimas-himas ang tyan ko. Siya naman umiling-iling lang. Kontra siya sa desisiyon kong sarilinin ang baby. Pero wala naman siyang magagawa.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon