Chapter Fourteen

16.6K 229 4
                                    

Sabado ngayon kaya uuwi ako sa bahay namin. Nagbaon ako ng mga damit sa LV kong bag. Ayokong tawagan si Hera. Ayoko munang magkaroon ng koneksyon sa kunektado sa banda nila Marco. 

Hindi ko sinagot ang tawag ni Hera. Sorry, Hera...

Nagmadali akong umalis sa dorm ko. Pagdating ko sa parking lot ay niligay ko na ang dapat pang ilagay. Tapos nagdrive na ko patungong bahay.

Pinark ko ang sasakyan sa garahe. “O anak. Andito ka na pala.”

“Opo. Ma, akyat lang ako sa taas ha?” Sinuri ni Mama ang katawan ko.

“Anak. Nangangayayat ka ata. Wala ka bang kinakain don?” Ayan na naman si Mama. Lagi nalang siyang nag-aalala sa kin. “Oo naman ma. H’wag na po kayong masyadong mag-alala. Sige po. Una na ko sa taas.” Saka ako pumanhik at pumunta sa kwarto ko. Isinarado ko agad ang pinto at sumandal dun. Nagvibrate ang cellphone ko kaya sinagot ko. “Ano yun?” Tanong ko kay Hera.

“Hoy. Wala ka sa dorm mo. Asan ka ha?”

“Hera, sabado ngayon.”

“Ay, oo nga pala. Na kila Tita ka nga pala ngayon. Punta ako d’yan ha?”

Napakagat-labi ako.

“Ikaw bahala. Basta h’wag mong isama si Ethan or kahit na sino.” Lalo na si Marco.

“Oo naman.” Para na tuloy akong napaparanoid. Para tuloy akong tumatakas sa isang sitwasyong dapat ay naroon ako. Hindi. Mali ito. Masasaktan lang ako. Hanggang kailan ko ba sasabihin ang salitang ‘masasaktan’? Na kahit anong sinasabi ko walang talab. Nandyan pa rin ako’t nagmamahal sa kanya. I should really do something.

Ilang saglit pa at dumating na si Hera. As usual, nagmomovie marathon na naman kami. Kakatapos lang namin panuorin ang A Walk To Remember. Grabe. Yun bang nakakakilig talaga? Lalo na’t inlove ka. Pero hindi ako pwedeng mainlove sa kanya... Pagkatapos naming manuod ng A Walk To Remember ay kasalukuyan naming pinapanuod yung Dear John. Nakakainlove talaga si Channing Tatum kahit kailan. Siguro kung wala lang laman ang puso ko ngayon kanina ko pa pinapagpantasyahan si Channing Tatum. Pero hindi e. Kahit na anong sabi ng utak ko na kesyo gwapo si Channing Tatum, wala paring dating sa kin. Lagi ko lang naiisip si Marco. Ayaw ko na siyang isipin pa. Kung alam niyo lang. Kanina ko pa nililibang ang sarili ko para di siya isipin. Pero heto parin ako, nakakainis!!!! Pwede ba Marco?! Anong bang meron sa yo’t di ka maalis sa isip ko? I hate myself.

“Nakakainis naman si Savannah! Bakit siya nakipagbreak kay John? Sa sulat pa talaga niya dinaan. Kung ako man yan, kahit long distance relationship... Di ako bibitiw. As long as he love me.” Yeah right. Tinanguan ko lang si Hera. Pero somehow, kung ako man siguro ang nasa sitwasyon niya hindi ko alam ang gagawin. Natawa ako. Ako nga, umiibig pero one sided. Samantalang si Savannah, pareho sila ng nararamdaman pero bumitiw parin siya. Siguro nga hindi talaga makokompleto ang isang relationship sa basta sabing ‘I love you...’ Psh.

Dumampot ako ng  isang popcorn. “Hinahanap ka pala ni Marco kanina. Bigla ka daw kasing umalis e.” My heart skipped a beat when she mentioned his name. “H’wag mo ngang banggitin sa kin si Marco.” Utas ko.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon