Chapter Forty-Eight

27.2K 372 17
                                    

 A/N: For the nth time, unedited.

======================================

“E-Ellizandrea...” Sabi ni Hera sa ‘kin pagkarating namin sa Pilipinas. “Hi. It’s been four years.” Matabang kong sabi. Hindi parin ako komportable sa kanilang lahat.

“Dad!” Ani Dylan kay Rage saka nagpakarga dito. Hindi parin ako pinapansin ng anak ko. At masakit yon para sa kin. Dati pag may ayaw siya o kapag nagtatampo siya sakin  after one hour  siya ang lalapit sa kin para batiin ako. Pero ngayon...


“Is that your kid?” Ani Berlyn. “Yes.” Matabang kong sagot. “He looked like Marco!” Ani Hera saka nila pinagkaguluhan ang bata.

“Ayos p’re! Biruin mo yun! Nakascore ka pala!” Sabi ni Ethan kay Rage saka sila naghhigh-five sa isa’t-isa.

Naiilang ako sa restaurant na pinagkainan namin. Kasama kasi namin ang mga kaibigan ni Rage. Sina Hera and the rest.

“Sa’n tayo tutuloy?” Bored kong sabi kay Rage ng makasakay kami sa Audi niya. “Sa bahay natin.” Naasiwa ako sa sinabi niya.

“Natin? Wala tayong bahay.” Sambit ko.

“Meron. Yung dati.” Aniya. Oh, no! H’wag niyang sabihing yung bahay namin 4 years ago?  Oh, no... H’wag niya akong dadalhin doon dahil baka mapatay ko siya.

Medyo nangawit ang braso ko kakakarga kay Dylan dahil nakatulog siya sa byahe. Pero di ko pinahalata.

“Rage, h’wag mo kong dalhin dun.” Diretso kong sabi. Kahit malaki ang bahay na yon ay wala akong pakialam. Ayoko talaga doon.

Agad niyang inihinto ang kanyang sasakyan ng makarating kami sa bahay na yon. Pinagbuksan niya ko ng pinto dahil karga ko ang bata. “Akin na.” Sambit niya.

“Hindi. Okay lang ako.” Sabi ko ng hindi parin tumitingin sa bahay na yon. “Akin na sabi. Alam ko namang nangangawit ka na kanina pa. Kundi nga lang ako nagdadriveniqphdc9q-UrfhN”

Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. Halos pabulong kasi e.

“Edi eto na.” Sabi ko at dahan-dahang ibinigay sa kanya ang bata.

Pagkapasok namin sa loob ay malinis. Nagulat ako ng walang pinagbago ang style ng bahay. Ganun parin sa inistyle ko noon. Bakit niya ba ‘to ginagawa? Kumulo ang dugo ko ng marating namin ang kwarto kung saan siya umamin sa ‘kin noon tungkol sa Dashna na yun. Wala paring pinagbago maski sa kwarto. Ganun na ganun pa din.

Naalala ko tuloy kapag nag memake love kami dito—

Ugh! Hindi ko dapat isipin yun. Hindi naman ako ang iniisip niya nung ginagawa namin yun noon  kaya bakit ko pa iisipin yun? Atsaka isa pa, hindi ko na siya mahal. Wala ng natirang pagmamahal sa puso ko. Puro galit na lang.

“Bakit di mo binenta ‘tong bahay?” Tanong ko sakanya nang ihiga niya sa kama si Dylan. “Dahil espesyal ‘to sakin.” Sambit niya. I gave a sarcastic laugh. “Talaga? E wala ng rason para tumira ka dito—“

“Nandito ang mga magagandang ala-ala natin noon kaya hindi ko ‘to binenta.” Halos pagbagsakan ako ng simento sa sinabi niya. Sana sinabi niya nalang na dahil mahal ang pagkakagawa nito kesa sa sinabi niya yun. Sana naman maging honest siya sa ‘kin at h’wag na niya kong lokohin. Sa tingin niya ba ganun ako katanga?

“Rage... Sana this time ‘wag mo na ‘kong lokohin.” Sabi ko sakanya na siyang ikinagulat niya saka ko siya tinalikuran.

Nagpunta ako sa isang guest room na wala paring pagbabago ang ayos. Dun ko ibinuhos ang laman ng bag ko para maayos ko ‘yon.

Nakita ko ang calling card ng Victoria’s Secret  na ibinigay ng staff nila sa ‘kin noong nakaraang dalawang buwan dahil gusto nila kong i-hire na model. Tumanggi ako dahil hindi ko hilig na ibalandra ang katawan ko. At isa pa, maayos naman ang buhay ko kaya di ko na kailangan ng ganung trabaho.

Pero dahil may restaurant ako sa NY, Texas at Nashville; Masakit man ang loob ko pero ibinenta ko iyon. Yung share ko kay Adrian sa Alswere ipinaubaya ko na sakanya. Kesa naman sa mawala na ng tuluyan sa kin ng anak ko. Mas lalong hindi ko ata kakayanin yun.

Inayos ko ang mga damit ko. Nagpunta ako sa kwarto kung saan nakahiga si Dylan dahil nagising na ito. Narinig ko kasi ang sigaw niya ng ‘Daddy’

Nakakainis. Bakit hindi kaya ‘mommy’?

“Hey, baby.” Saad ko ng makita ko siya. Mas lalong lumungkot ang hitsura niya ng makita ako. “Daddy!~” Aniya. “Hey, baby. Do you still hate me?” Tanong ko.

“Yes, mom.” Anito ng tahimik. “Oh... Don’t be mad at me, baby.” Pilit ko sa kanya.

“On one condition, mom.”  Saka ito ngumiti ng nakakaloko.

“I want a baby sister!” Sabi niya habang humahagikgik na siyang ikinagulat ko.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon