Chapter Twelve

16.1K 226 4
                                    

 

Kinabahan ako sa tanong ni Marco. How could he say that? Nangangatog ang mga tuhod ko at hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ano ba ‘tong nangyayari sa ‘kin? Sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon.

“Hey...” Tinabig ko ang braso niya na hahawi sana sa buhok ko. Ano bang ginagawa niya? Tumingin ako sa mukha niya at nakangisi siya ng nakakaloko. I blushed so hard nang makita niya akong nakatitig sa kanya.

“Hindi mo na sinagot ang tanong ko.” Then he smirked. Kumalabog ang puso ko. I need to escape.

“Pwede ba? N-Nakaharang ka sa d-dinadaanan ko.” Bakit ba ako nauutal? Abnormal na ata ako e.

Tinulak ko siya ngunit hindi siya natinag. Kaya naman pumunta ako sa kanang bahagi ng daan at dun ako dumaan. Akala niya, maiisahan niya ako? No way. Naglakad ako ng matulin para di na niya ako masundan pa. Nakakailang talaga pag nandyan siya sa tabi ko. Bakit ba ako naiilang ng ganito?

I shooked my head. No. Hindi ko na dapat lapitan si Marco para hindi ko na maramdaman ang pagkailang ko sa kanya. Hindi ko na dapat siya makita pa. Kaya sa bandang huli, napagisip-isip ko ng umuwi sa dorm ko. Hindi ko na hinintay ang pagtugtog nila sa stage dahil wala na kong pakealam sa kanila ng mga oras na yon.

***

“Ba’t di mo sinabi sa king ikaw pala si Sleeping Beauty, aber? At bakit hindi kita nakita pagkatapos ng play?” Bungad ni Hera sa kin. Nakakairita.

“Pwede ba, Hera? ‘Wag mo na ngang ipaalala sa kin ang lintek na play na yun!” Sabi ko habang ako’y nagsusuklay. Nasa dorm ko siya ngayon. Gabi na at napagpasyahan niyang dito  matulog. Nakipag-exchange dorm siya kay Berlyn.

“At bakit? Kinikilig ka kay Marco, no? Noh? Uyyy...”
 Kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang pangalan niya. Ugh!

“No! Shut up, Hera! Shut up.” Saka ko siya inirapan. 

“That was your first kiss, right?”

“Yes.” Sagot ko. Naalala ko na naman ang mga pangyayari kaninang hapon. Kumabog ang puso ko. Siguro dahil sa kaba. Oo, tama. Dahil dun.

“Tulala ka.” Napapitlag ako sa sinabi niya. “Ano naman?” Saka ko siya inirapan. Tinawanan lang niya ako. Whatever. Basta hindi ko lang papansinin si Marco para mawala na ‘tong nararamdaman kong kakaiba. Oo, kakaiba. Hindi naman ako tanga para di mapansin yun. Kakaiba lang siguro dahil sa pagkamuhi ko sa kanya. Teka? Dapat ay hindi ko na siya iniisip  dahil may Eros naman ako. Natuwa tuloy ako sa naisip ko.

“Hera bakit nakashawl ka parin at maxi dress hanggang ngayon?” Tanong ko. Napansin ko lang kasing kanina pa niya suot yan. Hindi ba siya naiinitan? Sabagay, aircon naman ‘to.

“Che!” Aba!

“Anong che?!” Saka ako lumapit sa kanya at sinubukang tanggalin ang kung ano mang nasa leeg niya. “Ano ba?~~~” Hahahaha!!! Natatawa talaga ako sa hitsura niya.

Nagulat ako nang mapagtagumpayan kong alisin ang nasa leeg niya.

“H-Hera? A-Ano yan?” Paano ba naman kasi, puro kiss mark ang leeg niya hanggang sa may collarbone pababa... Yuck! Parang pasa kasi nga kanina pa siguro yun. “H-Hera? Did you just lost your virginity?” Napakagat siya sa kanyang labi. I can’t believe it. Bumaba ang tingin ko sa kanya.

Tumingin siya sa tiles. “Y-Yes... I gave it to Ethan.” Whaaat? Is she serious?

“Ano?!”

“Oo. Binigay ko na. I’m sorry.” Saka siya humagulgol. Paiyak-iyak siya d’yan. Ang sarap niyang sapakin. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya?

“Joke!!!!!!” Saka siya nagV-sign sa kin. Nasapo ko ang dibdib ko. Aatakihin ata ako sa puso dahil sa babaeng ‘to e.

“Ano yang mga pasa mo? Err... Kiss mark?” Nakakacurious e.

“Yun nga. Hinalikan ako ni Ethan hanggang sa may collarbone. Pero hindi naman ako tanga no. Hindi ko ibibigay ang virginity ko sa kanya. Hindi naman ako makati. Isa pa, ang bata ko pa! I’m just 18 years old.” Haayyyy. Good. Akala ko binigay na niya e.

Napatalon ako sa gulat ng biglang may malakas na katok sa pintuan. Gabi na at tulog na ang mga kadormmate ko. Kami na lang ni Hera ang nagkwekwentuhan. Bali lamp shade lang ang nakasindi. 11:28 na kaya ng gabi. Halaaa! Mamaya, multo na yan!

“Buksan mo.” Sabi ko.

“Ayaw ko nga. Ikaw na lang.”

“Hera?!”

“Sige na. Ikaw na kasi.”

“Sige na nga.” Kahit natatakot ako ay binuksan ko ang pintuan. Laking gulat ko ng si Marco ang naroon. My knees turned jelly. My heart skipped a beat. “Ano?!” Tanong ko.

He tapped my head and he grinned. Shocks. It brings shivers down my spine. Tinanggal ko agad ang kamay niya sa ulo ko. “Ano ba?!”

“Anong ginagawa mo dito?” Nakakainis na! Naiinis ako sa sarili ko.

“May mga nagchecheck kasi e. Baka mahuli ako. Kaya dito muna ako.” Saka siya dirediretsong pumasok sa dorm ko. Hala! Baka mahuli siya dito.

“Huy ano ba! Baka masabit pa kami d’yan.” Sabi ko. Kinakabahan ako sa mga checkers at the same time kay Marco. After the kiss, nagiba na ang turing ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit.

Humiga siya sa kama ko. “Hoy ano ba! Alis d’yan.” Sabi ko.

Bigla ko nalang narinig sa labas ang mga yapak ng mga checkers. No way. Sigurado akong yung kabila na ang chinecheck nila. Paano na to? Si Hera agad nagtalukbong ng kumot at nagsideview para siguro di siya makita ng dean mamaya na hindi siya si Berlyn. Paano ako?

Hinila ako ni Marco kaya pumaibabaw ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngumisi siya. Ugh! Umalis ako sa ibabaw niya at humiga sa may malapit sa pader. Bahala siyang mahuli dyan. Tabi pala kami? Ugh. I hate this feeling na ang lakas ng tibok ng puso ko at nangangatog ang tuhod ko kahit nakahiga ako.

Ramdam kong pinatay niya ang lamp shade. Nagkumot siya base sa pakiramdam ko at kinumutan niya rin ako. Parang may mga paru-paro sa tyan ko na biglang nagwala at hindi ko gusto ang pakiramdam na ‘yon. 

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon