Chapter Twenty-Six

16.8K 227 3
                                    

A/N: Salamat sa mga nagbabasa. Nakapag-update tuloy ako ng maaga dahil naganahan ako. Enjoy reading!!!

========================

Nagliwaliw ang mga magkakabanda. Nandito kami ngayon sa  condo ni Eros. Walang practice pero merong magic sing. Si Marco dala niya ‘yung gitara niya at nasa isang table. Ako naman nakasandal sa sofa at nakikipagkwentuhan kay Hera at Berlyn. Si Daniel namimili ng kanta sa song book. Laging cold. Si Ethan naman todo birit sa She Will Be Loved ng Maroon 5. At si Eros may kinakalikot sa laptop nito. Si Marco lang ang medyo malayo at hawak ang gitara.

“Oo nga e. Grabe! Halos masabunutan ko ‘yung babaeng humawak sa abs ni Ethan one time na naglasing siya dahil nga nag-away kami. Buti nalang talaga at sinundan ko siya sa bar na ‘yun.” Saka pa umirap sa kawalan si Hera. Tss.

“Kaya nga pag minsan  nabobother din ako kay Eros e,” Sabay tingin ni Berlyn kay Eros. “Ang daming umaaligid sa kanyang babae.”

“Mas lalo naman si Marco. Yan nga ang laging hinahabol ng babae e. Kumakagat naman. Well, dati yon.” Saka napatingin sa kin si Hera sa huling salitang binitawan niya.

“Kumusta ang relasyon niyo?” Tanong pa ni Berlyn. Huminga ako ng malalim saka ngumiti.

“Okay lang. May mga babae nga talagang mahahaliparot pero nangako naman siya sa ‘kin.” Tinignan ko sila na parang nangingisay na sa kilig. “Oh my gosh!!! Talaga?!” Napatingin lahat ng boys sa ‘min.Nag-V sign si Hera sa kanila. Hindi parin talaga nagbabago ang isang ‘to. Immature as always. “Waaahh!!! I can’t believe it!” Saad ni Berlyn saka niyakap ang pillow sa sofa. Mas nikikilig pa ata sila kesa sakin?

“Ano na nga yung pinangako niya sa ‘yo?” Naeexcite na tanong nitong si Hera.

“Secret.” Saka ko sila kinindatan at nakita ko naman ang dismayado nilang mukha. Bago pa sila makapagpilit sa ‘kin ay iniwanan ko sila at pinuntahan si Marco dun sa may table.

Kandong niya ang kanyang gitara pero nakatingin siya sa kawalan.

Umupo ako sa tabi niya. “Huy.” Tumingin siya sa ‘kin at ngumiti. “Namiss mo naman agad ako?” Tanong niya. Ngumuso ako at bahagyang ipinilig ang ulo ko at ngumiti. “Alam mo bang nung bata ako ay pumasok ako sa isang music room at nagpaturo akong maggitara? Pero ang hirap.” Saka ako nagbuntong hininga. Ngumiti lang siya at kita ang dimples niya.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon