Chapter Seven

18.1K 228 4
                                    

Pagkatapos kong lutuin ‘yung porridge, nilagay ko sa isang mangkok at nilagay ko sa may table malapit sa kama ni Marco. Kasabay nun ay ang paglagay ko ng tubig dun. Nilagay ko na din yung binili kong gamot sa may hung over.

Then naglagay ako ng sticky note sa may baso na may sulat na ‘Hoy! Inalagaan kita. Gago ka. Sige. Byeee. Subukan mo ulit maglasing at sakalin ko ang leeg mo. XOXO--- Elli.’

Haha! Pambata ang laman ng note. Sigurado akong mag-aasume yun na dead na dead ako sa kanya. Ha! Dream on, Marco!

**

Grabe! Alas sinko na ng umaga nung makarating ako sa dorm ko. Antok na antok ako. Pero ewan ko ba dahil parang ang saya ng pakiramdam ko. Siguro dahil nakatulong ako---kay Marco. Grabe! Pwede na kong tumakbong presidente ng pilipinas. Kinaliligayahan ko na pala ngayon ang pagtulong sa kapwa.  Pfftt. Crazy!

Pagkarating ko ng dorm, nawala ang mga ngiting sumilay sa aking mukha. Damn! Andito si Berlyn at mukhang kararating lang niya. Sinabit niya ang shoulder bag niya sa kanyang  aparador.

“San ka galing?” Sabi ko saka ako nagtaas ng kilay.

Hindi niya ako sinagot. Aba talagang-----!!!

“Siguro ayaw mong sabihin dahil may ginawa kang masama. Sabagay, hindi nga naman nakapagtatakang  may gawin kang masama dahil malandi ka.” Hinarap niya akong nangingilid ang mga luha niya. Ha! Buti nga sa kanya!

“Kawawa ka naman. Ang damsel in distress. Walang prinsipeng sasagip sa kanya... Tsk. Tsk.” Nang-uuyam kong sabi. Pinisil-pisil niya ang kanyang dress. Halatang nagagalit ito sa kin pero kinikimkim niya. Haha! Poor her.

“Ang sama mo. Anong karapatan mong sabihin sa kin yun? Oo at ginabi ako ng uwi. Dahil nagbantay ako sa ospital magdamag dahil coma. ang lolo ko.  Hindi ba’t kararating mo rin? Baka ikaw ang may ginagawang masama.”  Saka niya ko hinead-to-toe.

Kung alam mo lang ang ginawa ko at baka sabitan mo pa ko ng gold medal.

“I’m not guilty.” Wika ko saka ko siya tinalikuran upang maligo. Feeling ko kasi amoy alak na ko dahil kay Marco,e... Now, let’s see Berlyn. Matira matibay.

**

“Sandali lang!” Sino ba kasi yung kumakatok?

Bastusan lang? Parang gigibain na niya yung pinntuan, ah?

Ako ang unang nagising kaya ako ang magbubukas ng pintuan. Well, except na lang sa dalaa kong dormmate na umalis na dahil may klase pa sila.

Inshort, kami na lang ni Berlyn ang nandito. Tulog mantika pa ang bwisit.

Pero syempre, inisip kong nakakahiya naman sa kumakatok kung may laway pa ko sa pisngi d’ba? Kaya naghilamos muna ko. Syempre, nagtoothbrush na rin ako.

“Yes?”  Sabi ko. Kasabay nun ay ang pagbukas ko ng pintuan. Nagulat ako at agad na nagwala ang mga paru-paru sa tiyan ko. “E-Eros? A-Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko. Napakagat ako sa labi ko. Urgh. Feeling ko aatakihin na ko sa nierbyos.

“Si Berlyn?” Parang may panang tumusok sa puso ko. Ang sakit. Napayuko ako. Bakit si Berlyn pa? Nandito naman ako...

Lagi nalang si Berlyn! Si Berlyn! Si Berlyn!

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon