Chapter Nineteen

17.4K 261 1
                                    

 

 

 

Tanghali na ‘kong nagising dahil narin sa pagkapuyat. I did my daily routine tapos kumain na ‘ko.

“Asan pala sina Marco?” Tanong ko kay Hera. Nilingon niya ‘ko habang kumakain kami. “Ah. Hindi pa siguro nagigising. Roommate niya si Ethan e. Di parin ata sila gising.” Ah... Tinanguan ko lang siya sa kanyang sinabi.

Pagkatapos naming kumain ay naligo ulit kami sa swimming pool. Pero dahil nga gusto ko lang maging tan at ayaw ko ng negra e dun kami nagswimming sa isang covered area pool. Sinulong ko ang pool at naka-3 ikot naman ako.

***

Ang dami nang tao sa isang restobar sa resort kung saan may Gig sila Marco. Kita ko ang mga babaeng nagpapantasya sa kanilang lahat. Ako nga, in my dreams lang e, kayo pa kaya? Ugh.

“What’s your order ma’am?” Tanong nung babae sa ‘min. Siya na ‘yung lumapit.

“Soda.” Sabi ni Hera.

“What flavor?”

“Coke.” Sabi ko.

“Right away.” Then I smiled at her when she smiled at me.

“Woooo!!!!”

“Yeah!”

Sigaw ng mga taong naririto. Nagsimula na kasing umakyat sa stage ang TS Band nila Marco.

“Okay. Okay... Quit. So people, thank you for coming. And... this song is all for you.” Tapos ngumiti si Eros ng pagkaganda-ganda. Yung ngiting kinababaliwan ko noon? Pero ngayon wala ng epekto sa ‘kin.

Nagsimulang i-istrum ni Marco ang kanyang electric guitar na siyang nagpabilis sa tibok ng puso ko. Sumunod naman sina Ethan sa pagpiplay ng kani-kanilang instrumento.

“You push me
I don't have the strength to
Resist or control you
So take me down, take me down...”

Halos lahat ng tao nakikisabay. Pati ako. ‘Yung mga babae naman kinikilig. Kita ko ang pagkapit ni Berlyn sa kanyang shoulder bag. Siguro nagseselos ito marahil sa mga babaeng kanina pa bukambibig si Eros at pinagpapantasyahan pa nila ito. Ako nga ang dapat mas magselos dito e! Paano ba naman, mas marami ang nagpapantasya kay Marco. But I know this is wrong. Na wala akong karapatang magselos dahil nga hamak lang akong may gusto kay Marco. Samantalang si Berlyn at Hera pwedeng-pwede dahil official nilang kasintahan ang mga yon. Kaya sometimes, I envy them.

“You hurt me
But do I deserve this?
You make me so nervous
Calm me down, calm me down...”

Si Hera naman todo sabay lang kahit na sintunado siya. Haha! Buti di natuturn-off si Eros sa kanya. I lookeed at Marco. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang galing niya talagang maggitara. Parang pinagbubuhusan niya ng galit ito pag naggigitara siya. Ang lakas mag-strum e. Parang galit pag tumutugtog. Hay naku. Kawawa naman ang gitara niya.

“Wake you up
In the middle of the night to say
I will never walk away again
I'm never gonna leave this bed...”

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon