Chapter Fifteen

17.9K 202 1
                                    

 

Sabi ko naman sa ‘yo Ellizandrea diba? H’wag ka ng aasa. He’s just the sweet type of guy. Kasi nga playboy siya. H’wag mong bigyan ng malisya. Pinunasan ko ang nagbabadyang luhang tumulo sa ‘king pisngi. Napatingin si Hera sa kin.

“O? Ba’t ang pula pula ng mata mo? Dahil ba nakita mo si Eros na sweet kay Berlyn?” Sana nga yun na lang, Hera. Sana nga. Pero hindi e. Iba na. Hindi na ganun, tulad ng dati.

“Ano, resbakan na natin?” Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya. Di ko na napigilan. Ang makitang malapit sa ‘yo yung mahal mo pero di mo maabot. Ang makitang andyan lang siya at may kaflirt sa phone. Ang maramdamang sweet siya sa yo pero walang ibig sabihin. At ang maramdamang kahit kailan ay hindi ako magkakaroon ng pag-asa sa kanya.

“Alis na ko. May dala akong sasakyan.” Saka ako umalis at rinig ko pa ang sigaw ni Hera kay Berlyn. Ng kung ano ano. Basta ako, hahayaan ko na lang sila. Bahala na kung maging selfish man ako. Basta I won’t tell them about what I really feel. Hahayaan ko na lang silang isiping mahal ko si Eros kahit hindi naman. Sorry, Berlyn...

Pagkauwi ko, agad akong humiga sa kama ko. Dun ko inisip ang mga nangyari kanina. Pasensya na talaga, Berlyn... I checked my phone. Sunod-sunod ang mga tawag ni Hera sa ‘kin at mga text galing sa kanya.

Hera: Hoy, napano ka? Okay ka na ba?

Hera: Naaway ko si Berlyn. At si gagong Eros, pinagtaggol pa. Ugh. Sorry, di ko napigilan.

Hinayaan ko lang basahin isa-isa ang mga text niya. Wala akong pakealam sa oras na yon. Basta ang alam ko lang ay kalimutan muna ang lahat lahat kahit ngayong gabi lang...

***

Lumipas ang mga araw at back to study na naman. Nakakasawa ng mag-aral. “Ano? Talaga? Kailan?” Yan ang mga bulong-bulungan ng mga estudyante. Nakakainis. Alam ko naman kasi kung anong pinag-uusapan nila. About dun sa tinayong Mini Concert ng banda nila Eros ngayong Valentine’s Day. Panigurado, talbog na ang mga itatayong booth ng mga estudyante pag nagkataon. At ang presidente naman ng student’s club ay todo ang pakikipagflirt kay Marco. Di ko tuloy maiwasang di masaktan.

“Ano? So pupunta tayo sa mini concert?” Napalingon ako kay Hera. Busy kasi ako kakatingin kay Marco dahil na nga sa bwiset na Iris na yun. Siya kasi ang student’s club president. “Sino bang tinitignan mo?! Huy!”

“Ha?!” Sumimangot siya sa ‘kin.

“Sabi ko na nga ba, di ka nakikinig e.” Kumunot ang noo ko.

“Hera? Wala akong pakealam sa mini concert na yan, pwede ba? Ikaw na lang ang pumunta.” Sabi ko habang nakatingin parin kina Marco.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon