Chapter Ten

19.7K 229 8
                                    

 

 

“Sa harap ko pa talaga kayo magP-PDA?” Tanong ko sa kanila. Nagulat yung babae kaya agad nagtago sa likuran ni Marco. So CLICHÉ. I looked at Marco saka ako humalukipkip. Siya naman, parang wala lang. Nakangisi parin ang gago. Bwiset!

“M-Marco...” Natatakot na sabi nung babae. Hahaha! Kasi naman, baka akala niya isumbong ko sila sa dean.

“Let’s just meet later, baby...” Then he cupped her face. Para lang akong nanunuod ng isang korean drama, ah? What a nice show!

Umalis na yung babae. Tapos lumapit sa kin si Marco saka ako inakbayan. Then he pinched my cheekbones. Ouch!

“Ikaw naman. Selos kaagad!” Saka siya ngumisi ng nakakaloko. I.HATE.HIM.

“Di ako nagseselos. Kapal mo.” Defensive ba ako?

“Sus. Palusot ka pa.”

“Hindi nga, e! At tandaan mo, Marco. Kahit ikaw nalang ang natitirang lalaki sa mundo, di ako magkakagusto sa ‘yo.” Di nga ba?! Whaaaat?!

“Remember. No man is an Island.”


“Che!” Saka ko siya tinalikuran at mabilis na tinungo ang elevator. Agad kong pinindot ang 1st floor para di na siya makahabol pa. Ayaw ko siyang kausapin. Kainis.

Bigla nalang huminto sa may 3rd floor. Amputik naman oo. Sino kaya yun?!

Then, biglang tinungo ng isang babae ang elevator. Yung babaeng kahalikan ni Marco kanina. Psh. Isa pa to e. Mahaliparot.

“Please... Don’t tell the dean. Maawa ka. Natukso lang ako. Sino bang aayaw sa kanya? Please?” Ako! Aayaw ako sa kanya. Bwiset ka. Ang sabihin mo mahaliparot ka lang talaga.

Ngumiwi ako.

“Okay.” Masaya ka na?!

Umaliwalas ang mukha niya.

“Thanks.” Tapos she smiled at me. I didn’t smiled at her, too. Hindi ako hypocrite.

“Lilinawin ko lang ‘to, okay? Hindi ko ‘to sasabihin sa dean dahil sa pabor mo. Hindi ko yun sasabihin kasi kaibigan ko si Marco at ayaw kong mapahamak siya dahil concern ako sa kapatid niya.” And then biglang huminto ang elevator sa 1st floor. Hindi ko na siya hinintay makasagot dahil baka maging bitch lang ako sa kanya.

Habang naglalakad ako sa aisle ng University, naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao. I’m not eavesdropping, huh? Pero sadyang naririnig ko lang.

“Yes. Mamaya daw sa auditorium. Mag peperform ang Thunderstorm Band. Yep. So excited na nga ako e. May play kasi mamaya tungkol kay Sleeping Beauty.” Whaat?! Ba’t di ko alam? Sleeping Beauty? Ba’t pangbata ang play? At isa pa, bakit di sinabi ni Marco sa kin kanina na magpeperform pala sila mamaya e kausap ko siya kanina. That man! Naglilihim na sakin, ah?

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon