Chapter Eight

16.3K 220 6
                                    

Anyare dun? Paano na yung Gig nila sa Bar? And how about Eros? Where is he? Grabe naman. Syempre dahil concern ako sa banda nila at baka hindi sila makapagperform e lumabas ako ng bar at sinundan si Marco. Bago ako makalabas ay hinarang ako ng guard at tinatakan sa may wrist para pwede pa akong pumasok ng walang fee. Ano ‘to, resort? Pwede ba?!

Nakakainit ng ulo si Marco. Pa-importante talaga. Kung kailan ba naman gumagaan na ang loob ko dun. Yes. Aaminin ko na gumagaan na ang loob ko dun. Naisip ko kasi na wala naman s’yang ginagawang masama sa kin. In fact, tinutulungan niya pa nga ako kay Eros, right?

Nakita ko ang likod ng isang taong pamilyar sa kin. I’m sure siya ‘yun. Di ako pwedeng magkamali.

“Marco...” Utas ko. Hindi siya lumingon. Ano bang ikinakasenti ng lalaking ‘to? Siguro hindi maganda ang boses kaya na-offend nung inaya nila Daniel na siya ang kumanta. I smirked with my thought. Di naman siguro.

“Huy!” Lumapit pa ‘kong muli sa kinatatayuan niya pero may space pa namang involve nung lumapit ako.

Ayaw pa ring lumingon. Peste!

Kinalabit ko siya. Wala pa rin.

“Don’t talk to me. Just... Just go inside.” He said coldly. Ano ba talagang problema niya? “Marco ano bang­­­­---”

“This is not the right time to talk to Marco, Elli.” Lumingon ako sa nagsalita. It’s Daniel. I found out na siya ata ang pinaka-close kay Marco. Or... feeling close lang talaga si Daniel?

“Ha? Pero bakit?” Ang gulo naman.

“Basta Elli. Just go back there. Besides, nandun na si Eros.” And with what he said, nagpanting ang taenga ko. I smiled sweetly.

“Sige.” Sabi ko saka nako umalis. Hahayaan ko nalang si Marco. Atsaka andyan naman na si Daniel e.

Pumunta na ko ng bar. Si Eros kumakanta na. Pero wala lahat ng banda. Siya lang mag-isa habang piniplay niya ‘yung guitar niya. Wow! How talented he is. Habang kumakanta siya ng isang romantic song ay nakatingin halos lahat ng babae sa kanya. Sino ba naman ang di mapapatingin sa kanya? Si Ethan naman katabi ni Hera tapos katabi ko si Hera sa may right ko while katabi ko naman si Lily sa left side ng table. Sa kabila ng boses ni Eros, rinig na rinig ko parin ang boses ng mga babaeng epal.

“Ano ba yan?! Asan na si Marco? Dapat siya na lang e. Dapat di na dumating si Eros.”

“Right, girl. And si Daniel wala rin. It sucks.”

“Hayaan niyo na. Andyan naman si Ethan sa harap ng table natin e. Hahaha. Ngiti palang, ulam na!” Nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Hera. It means, galit siya.

Ako naman, sinearch ko sa tingin si Berlyn kung nandyan ba. Kanina pa ako lingon ng lingon sa paligid pero no signs of Berlyn. Buti naman at hindi masisira ang gabi ko ngayon.

Nagpatuloy pa sa pagkanta si Eros ng acoustic ng Save You ng Simple Plan. It’s one of my favorite song. Nakikisabay tuloy  ako  sa  kanta.

Nang matapos na ang kanta, nag bow siya.

“Thank you so much guys for coming... You know. Kahit na ako lang ang nagperform. Masaya ako na nag-enjoy kayo.”

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon