Chapter Twenty-Four

17.1K 219 0
                                    

A/N: Sinipag talaga akong mag-update. hehehe. 

------------------------------------------------------------------------

 

 

 

Mag-isa lang ako sa sa hotel ngayon. Dinial ko ang number ni Marco pero walang sumasagot. Ano kayang meron?  Nag-aalala ako kaya tinawagan ko si Daniel. “Hello? Alam mo ba kung nasa’n si Marco?” Bungad ko sa kanya.

[Nasa condo niya. May sakit daw.] Nagkakasakit din pala ang playboy na ‘yun? “Sige. Thanks. Pero sa’n yung condo niya?” Tanong ko.

[Yung bago. Sa may ***********] Wow. Sabagay, sikat na sila kaya may panggastos na sila sa ganung klaseng condo.

“Thanks.” Saka ko na binaba ‘yung tawag. Nagshower na ko at nagpalit ng damit. Naka round neck shirt na fitted lang ako at maiksing shorts. Tsaka nagKEDS. Simple lang ako ngayon dahil balak ko pang pumuntang palengke.

“Manong, o.” Utas ko sa driver ng taxi at inibigay sa kanya ang pamasahe ko. Tumapak ako sa wet market.

Una akong pumunta sa mga vegetables. Binilhan ko siya ng mga gulay para sa lulutuin kong arroz caldong manok. Yep. Naggoogle ako kung pano magluto nun. Although pag independent ako sa America, di ko parin masyadong alam magluto ng filipino dish. Sometimes, puro lasgna kasi kinakain ko dun at nakakasawa. E ayoko ko namang gumawa nun dito dahil bukod sa matrabahong gawin yun e pangit ipakain sa may sakit. Mas magandang soup muna.

Feeling ko ang lagkit-lagkit ko na sa mga pinamili ko. Mga gulay, konting bigas (para sa arroz caldo) atsaka chinopped na manok. Ang bango nga ng amoy sa palengke e. Yun bang amoy malansang manok tapos iniimagine mo pag naluto na! Hmmm... Sarap! Pati tuloy ako natatakam na, e.

Buti nalang matalino ko dahil nagbaon ako ng damit. Yes. Hindi ko ugaling pagkatapos mamalengke e hindi maliligo. Yuck. Nagbaon ako ng isang dress. Yung conservative. Pero sleeveless. Pero above the knee naman. Conservative kasi baka gahasain ako ni Marco pag nagsuot ako ng litaw ang cleavage. Yikes!

Nagpunta ako sa lobby para itanong syempre ang number ng condo niya. I want to surprize him. “Marco—“ Saka ko naalalang di ko pala alam ang buong pangalan niya. Diyos ko! Boyfriend ko (nga ba?) pero di ko alam ang buong pangalan.

“Yes, ma’am?” Tanong nung receptionist.

“Marco. Yung member ng ThunderStorm Band.” Nihead to foot niya ko. C’mon!

“Ma’am, I.D. po. Baka po kasi isa lang kayong avid fan or what.” Aba’t! Binigay ko na lang ang hinihingi niya sa ‘kin. Oo nga pala’t sikat sila. Tsk Tsk Tsk.

“Eto po, o. Sorry po. Mukha po kayong desente. At taga New York po pala kayo.” Oh C’mon, mamon! May ganyanan pa talaga?!

I faked a smile at her. “Yes. So will you tell me kung anong number ng condo niya?”

“Sa 38th floor po. 4965.” Saka siya ngumiti. I mouthed ‘thank you’ at her.

Tinungo ko ang elevator. Apat kami dun.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon