Chapter Five

21K 278 16
                                    

Ang tagal naman ni Marco. Yes. Nasa Starbucks ako ngayon. Hinihintay siya. Pumayag na kasi akong tulungan niya akong mapalapit kay Eros. Binaba ko na ang pride ko.

“Ang aga mo naman babe.” Tumingala ako at nakita ko ang mukha ni Marco. “Anong ang aga?! Sabi mo seven p.m tayo magkikita. Seven thirty na!” Iritado kong sabe. Ngumisi lang siya. Yung nakakaasar.

“So, as I was saying. Anong gagawin natin?” Tanong ko sa kanya ng nakataas ang kilay ko.

“Simple. Sasa-----”

“Oh my Gosh. Marco is that you, sweetie? Di mo na ako dinadalaw sa condo ko. Nakakatampo ka na. Mas lalo kang gumagwapo.” Ang landi naman nitong haliparot na to. Nag-uusap kami, e. Matangkad ang babae. Nakadress siya. Maganda rin.

“Oh. May kasama ka pala. New victim, baby?” Malanding sabe ng babae.

“Pwede bang mamaya na kayo magflirt ni Marco? May pinaguusapan kasi kami e.  Mamaya na lang dun  sa ‘condo’ mo.” Tinignan ako ni Marco na mukha siyang na-amused. Tss...

“By the way. Anne----”

“Eris.” Sabi ng babae.

“Eris nga. Uhm.. This is Elli. Elli, this is Eris.” Pakilala niya. I forced a smile. She smiled politely naman. If I know, nasa loob ang kulo ng babaeng ‘to.

“Okay, honey. Bye.” Saka niya binigyan ng smack sa lips si Marco. Yuck! Eww... Nakakasuka.

“Just get a room for you and her.” I said bitterly. Sino bang hindi mabibitter kay Marco? Eww...

“Your jealous.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ni hindi ko nga kayang isipin yun e.

“What?! No way!” I hissed.

“So paano nga?” I asked out of the blue.

“Simple nga lang. Lagi ka lang nakadikit sa kin kahit saan ako magpunta. Don’t worry. I’ll entertain you.” Ngumisi ulit siya ng nakakainis. Dahil nga nilubog ko na ang pride ko, papayag na lang ako sa sinabi niya.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon