Chapter Seventeen

16.2K 200 3
                                    

“Ano?! Bakit isasama mo pa ‘ko? Ayoko. Ma-OOP lang ako dun.” Dahilan ko kay Marco. Nasa buliding kami ng dorm ng girls pero dito lang sa lobby. Inaaya niya ‘ko sa gig daw nila sa isang exclusive resort. Ayoko ngang sumama. Mas lalo lang akong mahihirapang magMOVE-ON. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. Nakaramdam na naman anko ng kuryente sa buong sistema ko. “B-Bakit?”

“Be there. Please? Eros will be there.” Saka siya ngumisi. Akala ko pa naman... Tsk. Tsk.

“Bakit, ayaw mo na kay Eros?” Kinabahan ako sa tanong niya. Kapag sasabihin ko ang totoong wala na ‘kong pagtingin kay Eros ay baka magkahinala siya sa ‘kin.

“Huh? Syempre gusto ko parin siya!” Labas sa ilong kong sabi. Ngumisi siya sa ‘kin. No wonder why kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya. Gwapo e. “Mesmerized?” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “No! Ofcourse not!” Saka namula ng parang kamatis ang mukha ko.

“Well, be there.” Ano pa bang magagawa ko? Tinanguan ko nalang siya and his face lighten up. Saka na ko pumasok sa dorm ko. Siguro kung hindi ko kilala si Marco, iisipin kong may gusto na siya sa ‘kin dahil sa mga pinapakita niya. Pero hindi e. He used to do that sa lahat ng babaeng kilala at makikilala niya. Lumungkot ako sa ‘king naisip.

***

“So saan kami?” Tanong ko kay Ethan. Nasa resort na kasi kami at may five-star hotel pala ‘to. “Gusto ko sanang katabi si Hera, eh. Pero sige na nga. Dun kayo sa 1127.” Binigay niya sa ‘kin ang card para makapasok kami dun mamaya.

“Inaya ako ni Marco pero siya ang wala!” Naiinis kong sabi kay Hera habang naglalakad kami papunta sa aming hotel room. “Your so inlove with him.” Pakanta niyang sabi. Yes, I admit it. Deeply inlove with him. Or I am just exaggerating?

Pumasok kami sa hotel room at namangha ako sa ganda nito. Hindi naman ito ang first time ko sa mga ganitong lugar pero di ko parin maiwasang di mabighani. Merong dalawang kama at dalawang lampshade sa gilid nito. Meron ding isang 72 inches na flatscreen T.V sa harap nito. Sa kanan naman ang c.r. Malamig na dahil kakasindi palang malamang ng aircon. Parang talagang pinaghandaan ‘to, ah? Siguro nga mahal dito. Ewan ko ba kung sinong nagbayad dito. Basta sabi ni Marco libre na daw kami.

“Andyan na kaya si Marco, Hera?” Mukha siyang nainis sa tanong ko.

“Nakakauyam na ‘yang tanong mo, Elli. Kanina pa sa elevator mo sinasabi ang pangalan ng lalaking yon. Hindi ko alam. Tawagan mo na lang kaya?” I mouthed ‘sungit’ at sinabi niya namang “Talaga!” Nagtungo siya sa banyo upang magshower. Ako naman, binuksan ko ang T.V. Walang magandang palabas kaya pinatay kona.

Sinubukan ko nalang tawagan si Marco. Nagring. Sumaya naman ako. Ang babaw ko talaga. “Hello?” He said on his husky voice. “M-Marco, asan ka?” Tanong ko. “Hon, don’t do that! Your driving... hihihi.”  Pinatay ko agad ang telepono. Sabi ko na nga ba e. Ano ba kasing pumasok sa kukote ko’t naisipan kong tawagan siya? Ano ba niya ko? Hamak lang naman akong nagmamahal sa kanya e. At bakit ako nagseselos? Wala akong karapatan. Kaya dapat di ako magpaapekto. Dapat talaga di na ko sumama dito e.

Ilang oras din akong nakatunganga sa kisame pagkatapos kong magshower. Makalipas ang ilang oras, dinatingan na ko ng antok.

***

Three days. Tatlong araw akong magpapakahirap dito sa resort na ‘to. Gusto ko ng umuwi pero hindi pwede. Nasa isla kami ngayon. Biruin mo yon? Isla pero may five star hotel, may resort at may wifi. Yun na nga. Nasa isla kami at pag nagbangka ka naman e tatlong oras. At pagkarating mo, walang kabihasnan ang bayan nila. Tapos 13 na baryo pa ang lalakbayin mo at magbabangka ka ulit sa isa pang bayan na aabutin ulit ng mahigit isang oras. Pagkatapos magbubus ka naman (Kung magcocommute ka) papunta sa city na 10 oras ang layo. Tapos nun 1 oras pang paglalakbay para makarating  dun sa airport na tutulak papuntang maynila.

“Tarang magswimming.” Aya ni Hera sa ‘kin. “Ayoko. Pipilitin mo lang akong magbathing suit.” Utas ko. Ayaw ko naman talagang magbathing suit ‘no! Conservative ata ‘to! “Alangan namang maggown ka?!” Natawa naman ako sa kanya.

“Sige na nga. Pero magshoshort ako at magsasando.” Sumimangot siya sa sinabi ko. Simula ngayon, ayaw ko ng isipin si Marco. Bahala siya sa buhay niya. Pero kada isipin ko yun, nasasaktan ako.

“So, tara na!” Umalis na kami at pumunta sa beach. Siguro magpapahangin muna ako dun tapos magsuswimming ako mamaya sa swimming pool. Marami naman kasing pool dito e. At isa pa, may jacuzzi naman din yung hotel room namin ni Hera e.

Yung mga ibang babae nakatanga lang sa dagat. Tapos pangiti-ngiti. Mga baliw ba ‘to? Ano bang meron dun? Tinignan ko ang dagat at nalaglag ang panga ko sa nakita ko. D-Don’t tell me he also know how to play the surf board? Waver din si Marco?! No way...  Mas lalo lang akong naiinlove sa kanya. Hindi ‘to pwede. Ang tataas ng alon. Nakakatakot. Paano niya nagagawa yun? Ang tapang naman niya. Ang galing niyang magsurfing. Sa kabilang banda nag-jejetski si Ethan at Daniel. Parang nagreracing sila. Really? Kahit maalon, nagagawa nilang magjetski? Di ba sila natatakot na baka bumaligtad sila?

Tinignan ko si Hera. At ang bruha, nagvivideo sa kanyang video cam. Nasipat ng tingin ko ang isang babaeng sumisigaw. Maganda ito, tan katulad ko at matangkad. Siguro mga nasa 5’11 siya. 5’7 lang ako e. Nakabathing suit siya ng pure black. “Go Marco! Marco! Marco!” Tinaasan ko siya ng kilay. At sino naman ‘to, aber?

Natapos si Marco sa pag-iiskate board kaya naman agad na siyang bumalik sa lupa. Napanganga ako nang maghigh five siya sa babae. Tapos kinuha ng babae ang isang skateboard sa lupa at sinulong ang maalong dagat. Who’s that girl?

“Sino yun?” Tanong ko kay Hera. “Pinsan ni Marco.” Ah. Akala ko one of his girls, sasakalin ko na sana e.

“Hey! Di pa kita nakikita buhat kanina.” Binuhat ako ni Marco na para bang bata saka siya umikot ikot. Ang lakas ng tibok ng puso ko, gosh.

Binaba naman niya ‘ko at hinihingal na ‘ko, grabe!

“Hey, Marco.” Bati sa kanya ng isa na namang babaeng magandang di ko kilala. “Hey, Lizi.” Whatever. I just rolled my eyes.

Napansin kong parang wala ata si Eros, ah?

“Asan si Eros?” Tanong ko. Napatingin ako sa katawan niya at umiwas agad ako ng tingin. Alam ko namang may 6 pack abs siya, e. Pero nakakahiya kaya. Parang ang awkward. “Magt-shirt ka nga.” Ngumisi siya sa ‘kin.

“Why? Am I seductive to you?” Saka pa siya mas lumapit sa kin. Uminit ang pisngi ko. “Hinde!”

“Okay.” Kinuha naman niya ang sando niyang nakasabit sa may skateboard niya at sinuot. Napangiti ako ng lihim kasi sinunod niya ko.

“Yes!” Sabi niya at kinuha agad ang skateboard at tumakbo patungong dagat. “Hoy! San ka pupunta?!” Tanong ko. “Umalon na ng mas malakas,” Saka niya ko kinindatan. I blushed. “O!” Hinubad niya ang t-shirt niya at initsa sa ‘kin. Nasapo ko naman. Tumalikod na siya sa ‘kin at tinungo ang dagat...



One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon