Chapter Thirty-Two

17.4K 197 0
                                    

 

Warning: Medyo SPG.

=========================================

“So, ito na yon?” Sabi ko ng manghang-mangha. “Oo. Ito na ‘yon.” Aniya. Bumaba ako sa sports car niya at tinanaw ang dagat. Nandito kami sa hawaii ngayon. Sa isang exclusive resort. Dito kami mag ho-honeymoon.

Inalis ko ang aviator ko. “Ang ganda.” Utas ko. Niyakap niya ko patalikod. Mas maganda ka.” Saka niya hinalikan ang pisngi ko. My heart is beating faster.

“Che. Binobola mo na naman ako.” Sabi ko sakanya.

Binaba na niya lahat ng gamit namin. Tinungo namin ang lobby ng hotel. Nakamaxi dress ako at isang hat. Siya naman ay nakashort at nakat-shirt. May aviator din siyang suot.

Sinabi niya sa lobby ang pinareserve naming room. Binigay sa kanya ng receptionist ang card. “Anong floor?” Tanong ko. “Seventh.” Utas niya. “Okay.” Sabi ko. Binuksan niya ang pintuan gamit ang card ng makarating kami dun. Inilapag niya sa mesa ang mga gamit namin. Pumunta ako sa veranda. Ang hangin. Kita ko ang  kulay asul na dagat at ang mga naliligo roon.

Naganahan tuloy akong maligo sa mga nakikita ko. Nagpaalam ako kay Marco na pumunta sa dagat para maligo. Pumayag naman siya. Sabi niya ay susunod daw siya sa ‘kin at magpapahinga lang daw siya dahil napagod ito sa byahe.

Agad akong nagtungo sa dagat. Hinubad ko ang aking maxi dress dahil naka two piece naman ako. Yep. Siguro ang paglipat namin sa america ang naging dahilan para hindi ako masyadong maging conservative. There’s nothing wrong kung magtwo-piece man ako. Besides, dagat ito.

Agad kong sinulong ito at lumangoy. Madaming lumalangoy pero malaki ang dagat.

Kasalukuyan akong lumalangoy nang may yumakap sa baywang ko. Nakita ko ang braso niyang nakayakap sa ‘kin at puno iyon ng mga tattoo. Hmmm... It’s Marco.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon