Chapter Thirty-Five

24.1K 375 16
                                    

A/N: Siguro yung iba sa inyo maguguluhan. Paki-intindi nalang po. Bumalik nalang po kayo sa 'Prologue' sa mga di nakakaintindi. Salamat.

============================================================


Dalawang taon na kaming kasal ni Marco. Always sweet kami sa isa't-isa. 'Yung may spark kumbaga. May chemistry ganun. Haha. Hindi parin niya iniwan ang career niya. Always supportive naman ako e. Number 1. na nga yung banda nila sa pilipinas e. No. 1 na tinatangkilik ang musika nila. And I'm happy for him.

Pero hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Ewan ko ba. Tinanong ko na si Hera tungkol dito pero sabi niya sa 'kin normal lang daw ang di pagpapansinan ng mga mag-aasawa. Pero bakit kaya di niya ko pinapansin? Parang ang lamig-lamig niya sa 'kin. Isang linggo na ito e.

Nasa bahay ako't gumagawa ng lasagna ng bigla ko na lang narinig ang makina ng kanyang sasakyan sa garahe namin. Agad akong pumunta sa sala para sana kausapin siya at matiyak kung siya na nga yon.

Nakita niya ko ngunit di niya ko pinansin at dinaanan lang niya ko papunta sa kwarto namin. Sinundan ko siya. Ano ba talagang problema niya? Asawa niya ko kaya dapat kong malaman kung anong problema niya. He's always been cold to me one week ago. Ano ba talagang meron? Di na ba niya ko mahal? Ayaw na ba niya sa 'kin? Isipin ko palang yun para nang binibiyak ang puso ko.

"Hon, ano bang problema?" Mas mabuti pang saktan na niya lang ako kesa wag niya kong kausapin ng ganito. Tinanggal niya ang jacket niya at di niya ko pinansin.

Naghihintay ako ng isasagot niya pero wala parin siyang sinasabi. Narinig ko ang marahan niyang pagbuntong hininga. "Si Dashna..." He said coldly. Dashna? Sinong Dashna? Anong meron?

"Nakita ko siya at narito na uli siya sa Pilipinas."

"S-Sino 'yun?" Tanong ko habang nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba.

"I loved her, eversince. Hindi ko naman alam na babalik yung pagmamahal ko sa kanya-" Nagulat ako sa sinabi niya pero agad ko siyang sinampal. Nakita ko ang pagbakat ng wedding ring namin sa pisngi niya.

"W-What? Loved? Hahaha... Your joking right. This is just a prank, right?" Sa kabila ng pinagsasasabi ko ay may luhang pumatak sa king pisngi.

"M-Marco?"

Ilang sandaling katahimikan at di siya  kumibo. Silence means yes. Feeling ko makakapatay ako ng tao. Di ko pa naranasan sa buong buhay ko ang ganitong pagkamuhi.

"Gago ka. Babalik pala, ah? Utang na loob...  M-Minahal mo ba ko, ha? O 'yung  Dashna parin?" Kahit masakit na ay nasabi ko parin ang mga katagang yon sa kanya.

Naghintay ako ng sagot but his jaw clenched.

"Yung totoo? Hinde. Hindi kita minahal. I tried pero hindi kita kayang mahalin. I don't know. Akala ko hindi na babalik si Dashna kaya ikaw na ang pinakasalan ko."  Ngayon para na akong nauupos na kandila. Hindi ko na kaya ang pinagsasabi niya sa 'kin. Pero kailangan ko 'tong harapin. P-Pero paano?...

Marco... H'wag namang ganito... Wala na kong mga magulang... Ikaw nalang ang meron ako...

Nabuhayan ang loob ko sa 'king naisip.

"Pero bakit ka parin nakikipagtalik sa kin sa loob ng dalawang taon kung ganun?" Maluha-luha kong tanong. His face grinned. An evil grinned.

Is this my Marco? No, your not my husband... Ibang tao itong nakikita ko. Sana nga isa nalang itong bangungot.

"Simple. Lalaki ako. And besides, merong time na habang nakikipagsex ako sa 'yo ay si Dashna ang nasa isip ko."  Napaupo ako sa harap niya. Ang sakit. Ang sakit sakit.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon