Chapter Forty

25.3K 317 4
                                    

  

Lumipas ang mga araw at siyam na buwan na ‘kong buntis. Kabwanan ko na. Natatakot ako na excited. Natatakot na sabi nila masakit daw manganak pero excited dahil makikita ko na sa wakas ang baby ko.

Wala si Adrian sa bahay ngayon dahil nasa kanyang  restaurant siya.

Ako lang mag-isa sa bahay. Ayaw nga niya kong iwanan dahil baka daw manganak na ‘ko pero sinabi ko sa kanyang baka malugi siya pag di niya binisita ang restaurant niya.

Nagpunta ako sa kwarto ko para kunin ang Ipad ko at maglaro ng candy crush. Ayaw akong paglaruin ng Flappy Bird ni Adrian dahil baka daw maging mukhang ibon ang anak ko. Siraulo talaga yun. Sinabi ko na ngang nasa genes ang magiging hitsura ng baby ko e.

Nakaramdam ako ng gutom kaya gumawa ako ng lasagna. Isa ito sa mga pinaglihian ko. Kasalukuyan akong kumakain ng biglang bumukas ang pinto.

“O, ang aga mo ata?” Tanong ko kay Adrian.

Mukhang biyernes santo ang mukha niya. Ano kayang nangyari?

“Anong meron?” Tanong ko. Hindi siya kumibo imbes kumuha siya ng isang tinidor at sinaluhan akong kumain.

“Nakita ko si Tanya.” Si Tanya yung ex-girlfriend niya. “O, tapos?” Concerned kong tanong. “Tapos yun—“

“Ahhhh!!!” Daing ko. Biglang sumakit yung tyan ko. Pakiramdam ko may puputok sa kaloob-looban ko.

“Psh. ‘Wag ka ngang umacting na naman d’yan. Nadala na ko.” Bitter niyang sabi. Ang sakit ng hips ko at ng tyan ko. Grabeng sakit. Kaninang umaga pa ‘to e. I mean yung konti lang naman yung masakit kanina. Kaya akala ko stressed lang ako pero grabeng sakit na yung nararamdaman ko.

“Aray!!!!! M-Manganganak na ata ako.” Saka ako nagpakawala ng isang bunttong hininga. Napatingin siya sa may ibabang legs ko at nakita ko ang shock sa mukha niya.

“D-Dinudugo ko, Gab.” Aniya.

“Gago! Dalhin mo na ‘ko sa ospital, H-Hindi ko na ata kaya. “Ah, yes. Right away.” Agad siyang umikot-ikot doon na para bang natataranta at pumunta siya sa second floor ng bahay.

“Tangina! Ang tagal mo, Adrian!” Sigaw ko. “E-Eto na!” Aniya.

Agad siyang bumaba na may dala-dalang bag at agad niya kong inakay papunta sa kotse. Dinala niya ko sa backseat ng kotse. Agad siyang nagpunta sa driver’s seat para idrive yun.

“Urgh! Yung susi nakalimutan ko.” Sa ngayon wala nakong pakealam sa mundo. Ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko. “Hush. Hush, baby. Wait ka lang, anak.” Sabi ko sa anak ko saka ko hinaplos-haplos ang tyan ko. Kita ko ang dugo sa ibabang legs ko na patuloy parin sa pagragasa.

Nakita ko si Adrian na halos talunin ang daan papunta sa SUV. Agad siyang nagpunta sa driver’s seat at mabilis na pinatakbo ang kotse. Wala na kong pakealam kahit makasuhan kami ng overspeeding. Basta ang importante makarating agad kami sa ospital.

Agad niya kong dinala sa Lenox Hill Hospital. Sobrang sakit na talaga ng tyan ko. Yung sakit na  na di ko pa naranasan sa buong buhay ko.

“Hey! My sister is giving birth! Will you accompany us?” Agad napalingon ang mga nurse sa ‘min. Agad naman nila akong inihiga sa may hospital bed at iginulong hanggang makarating sa E.R.

“Sorry sir, but you can’t—“

“I understand.” Ani Adrian. Kinabahan akong pumasok sa e.r. pero gustong ko nang manganak dahil ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko.

---

“Okay. Push!” Anang doktora.

“Arrrrrggggghhhh!!!!” Sigaw ko.

“Ha. Ha. Ha.” Sabi ko na naghahanap ng hangin. “One more, One more.”

“Arrrggggghhhhhhhh!!!!!!” May luhang pumatak sa ‘king pisngi dala na rin ng sakit na nararamdaman ko sa may gitna ko.

“Okay, I can see the baby’s head.” Naliwanagan ako sa sinabi ng doktora. “One more.” Aniya. Kahit sobra-sobrang sakit na ng nararamdaman ko nagawa ko paring umire.

“Arrrrgggggghhhhhhhh!!!!!!” Narinig ko ang iyak ng bata at nabuhayan ako ng loob. “It’s a boy!” Sabi ng doktora. Pagkatapos  ay nagdilim na ang paningin ko sa kabila ng aking kasiyahan. 

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon