Chapter Twenty-Eight

16.3K 195 1
                                    

Bumili ako ng chocolate cake sa red ribbon at pinalagyan ko ng ‘Thank you, Marco’. I know it’s corny at para akong isang teenager pero parte talaga ‘yon ng pagpapasalamat ko sa kanya. Dumiretso ako sa *********** Records dahil may bago daw silang irerecord na kanta. Nandun din kasi si Hera at Berlyn.

Pagkabayad ko sa taxi e dumiretso na ko sa elevator. Hindi nako nagtanong-tanong pa dahil tinext na sa ‘kin ni Hera kung anong floor. Ang dami pang tumitingin-tingin sa ‘kin. Nakasimple dress lang naman ako na binili ko sa CHANEL noon sa NY at nakaclose shoes lang. Meron din namang may mga hitsura at may sense sa fashion. Siguro mga singers din. Umalis ako sa elevator nang makarating sa 24th floor.

Nakita ko ang nakapaskil na board sa pintuan. Yun ‘yung pintong papasukan ko sabi ni Hera sa kanyang text. Pumasok ako at nakita ko silang nakaupo sa isang sofa ni Berlyn. May mga tatlong di ko kilalang tao bukod sa buong banda. ‘Yung isa babae pero matanda na. Yung dalawa naman lalaki pero hanggang shoulder yung buhok. Mukha namang disente. Nakita ko ang TS Band na nasa loob ng isang room pero salamin. Lahat sila ay merong headphones sa taenga. Tumutogtog silang lahat at kumakanta naman si Eros. Nakapikit ito habang kumakanta. “Upo ka dito, bilis.” Utas ni Hera. Umupo ako. Inilapag ko sa table ‘yung cake. “Woah. Monthsary niyo?” Usisa ni Berlyn. Umiling lang ako sa kanya. Hindi naman na siya nagtanong pa.

Inilabas ni Hera ang camera niya at pinicturan sina Marco sa may salamin. “Ayan. May remembrance na sila sa Baka Sakali nilang song. Haha.” Itinago niya rin agad ang kanyang camera sa bag niya. “Pinagpuyatan nila ‘yan, diba?” Tanong ni Hera kay Berlyn. “Oo. Nalate nga si Marco dahil nag-alaga daw nung unang araw na ginawa ‘yung lyrics ng kanta.” Saka ako binigyan ng dalawa ng mapang—asar na ngiti. “Talaga?” Tanong ko. Kaya pala paggising ko wala na siya nung nakaraang araw na nagkasakit ako. Napuyat pa tuloy siya dahil sa ‘kin. Kawawa naman.

“Di mo alam?” Tanong ni Hera sa ‘kin. Umiling ako at napanguso. “Hindi.” Saka ko kinagat ang ibabang labi ko. “Ano ba yan, nagugutom na ko.” Saka hinimas ni Berlyn ang kanyang tyan. Ako din nakaramdam ng gutom. “Tarang kumain.” Sabi ko. “Sige. Nagugutom na rin ako.” Ani Hera. Tumayo ako at sumunod sila sa ‘kin. Kinuha ko ang cake at binitbit. Ayaw kong iwan dito. Mamaya may kumain pa nito.

Sumakay kami sa sasakyan ni Hera. Nagdala pala siya ng sasakyan niya. Bago pa ito. Kulay black. Audi. “Kanina pa tingin ng tingin sa ‘yo ‘yun, oh.” Turo ni Berlyn sa ‘kin dun sa lalaing matangkad at may hitsura naman. “Hayaan mo siya.” Utas ko. “Anong hayaan? Si Rico Domingo ‘yun, noh.” Kumunot ang noo ko. “Hindi ko kilala.” Saka ako umupo sa backseat ng sasakyan ni Hera. Si Hera ang nagdrive at sumakay sa front seat si Berlyn. “Oo nga pala. Sorry. Galing ka nga palang NY kaya di mo kilala ‘yun. Haha! Crush namin yun ni Hera.” Kumunot ang noo ni Hera. “Sino?!” Mataray niyang sabi. “Si Rico Domingo.” Nanlaki ang mata niya.

“What? Asan? Ba’t di mo sinabi sa ‘kin?” Tanong na naman niya. Psh. “Sino ba kasi yun?” Di ko napigilang tanong. “Artista. New rising star. Bwahaha.” Sagot ni Hera. “Kayo, ah? May pinagpapantasyahan kayo. Sumbong ko kayo sa mga boyfriends niyo e.” Banta ko. Nanlaki ang mga mata nila. “Hala! Hindi naman masyadong gwapo si Rico, diba Hera?” Gusto kong matawa kay Berlyn.

“Oo. Oo! Hindi naman siya gwapo. Ang feeling pa!” Sang-ayon naman ni Hera.

“H’wag mo kaming isumbong, please? Alam mo Ellizandrea, kahit ilang milyon pa ang crush nating mga babae sa buong mundo, iisa lang ang true love natin.” Saka ngumiti ng seryoso si Hera sa may mirror. “Tama!” Saad ni Berlyn. Tumango naman ako. Tama nga naman si Hera.

---

 

“My treat.” Bulalas ni Berlyn pagkadating namin sa greenwich. Hindi na kami nagpunta pa ng ibang restaurant dahil sasaglit lang naman kaming kumain kasi baka hanapin agad kami ng mga ‘boyfriend’ namin.

“Ano sa inyo?” Utas ni Berlyn ng marating namin ang counter. “Lasagna supreme sa ‘kin.” Sabi ko. “Same.” Ani Hera. “Okay. Ako nga diin, yun na lang.”

“Drinks?”  Tanong ni Berlyn. “Soda.” Ani Hera. “Anong flavor?” Tanong ulit ni Berlyn. “Coke sa ‘kin.”

“Coke din.” Ani Hera.

Umalis na kami sa may counter at si Berlyn na ang nag-order. Humanap kami ng table at may nahanap naman kami kaagad.

Ilang sandali pa ay dumating na si Berlyn. Nagkwentuhan pa kami at after 5 minutes, dumating na yung order namin. Lasagna,.. ang  lagi kong kinakain sa NY. Nakakamiss rin pala ang mga officemates at kaibigan ko dun. Lalo na si Khendra.

“Kailan ba ‘yung concert ulit ng TS Band?! Waaahh!!! Excited na ‘ko sa bago daw nilang ilalabas na kanta. Ano kaya ang music video nun? Excited na talaga ko. Lalo na siguro si Marco. Sheez... Si Ethan, Daniel at Eros! Makalaglag panty!”

“Oo nga. Excited na ko!” Rinig na rinig namin ang mga pag-uusap ng mga teenagers na ‘yun sa kabilang table. Napakagat sa labi si Hera. Napakaselosa pa naman niyan. Tinignan ko si Berlyn at parang wala lang sa kanya. Ako naman wala lang rin sa kin. Okay lang naman kasing umidolo sila. Mas maganda nga ‘yung gusto sila ng mga tao kesa hindi.

Umiling-iling nalang ako kay Hera at kinain ang lasagna sa harapan  ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming bumalik sa ******** Records. Agad maming tinungo ang recording room kung saan nagrerecord ng bagong kanta sina Marco.

Pagkarating namin ay nagpapahinga sila sa may sofa’ng inupuan namin kanina. Si Daniel ay may kausap ulit sa kanyang cellphone at nasa may harapan ng dingding. Si Ethan naman na parang may kinokontak sa phone, si Eros na naglalaptop at si Marco na nakayuko at nagi-istrum sa kanyang  gitara. Parang naglalaro lang siya. Hindi naman siya seryosong tumutugtog, e.

“O, andyan na pala kayo.” Utas ni Ethan at agad nilapitan si Hera. Napatingin naman si Marco sa ‘min. Bumaba ang tingin niya sa bitbit ko saka kumunot ang kanyang noo. Nilapitan ko siya at hinila sa di mataong lugar na parte ng recording room.

“O.” Sabi ko sa kanya saka ko iniabot ang cake sa harap niya. “Ano ‘to?” Tanong niya.

“Cake. Buksan mo.” Saka ko siya nginitian. Binuksan naman niya ito at nakita ang nakasulat sa ibabaw ng cake. Napakagat ako sa ibaba ng labi ko.

“Para sa’n naman ‘to?” Tanong niya. “Thank you gift ko ‘yan sa ‘yo dahil sa pag-aalaga mo sa ‘kin nung nakaraang araw... Tsaka sorry nga pala kung  napuyat ka dahil sa ‘kin.” Itinabi niya yung cake sa may table. He cupped my face. “It’s my pleasure to be there.” Saka niya ko nginitian. Yung nakakapagpakilig sa mga babae. Minsan nga iniisip ko ang swerte-swerte ko dahil minahal ako ni Marco. Sa dami-daming tao sa mundo ako pa ang minahal niya. And I’m happy with it.

Pinasadahan ko siya ng tingin. “Thank you.” Saka ako ngumiti. Siniil niya ko ng isang matamis na halik sa labi... Tumigil siya sa kalagitnaan ng halik namin. “Salamat dito.” Saka niya kinuha ang cake at itinali ulit sa dati. “Welcome.” Saka ako dumiretso sa lokasyon nila Hera’t Berlyn at nakisalo sa usapan nila.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon