Chapter Fifty

34.9K 377 82
                                    



Hindi ko alam kung dapat pa ba kong maniwala sa kanya sa lagi niyang sinasabi sa ‘kin. Ang katagang ‘I love you’ Siya na mismo ang nagsabi sa king hindi niya ko mahal noon. Kaya naliwanagan ako. Pero bakit parang umaasa parin ako na sana totoo yun? Kahit ilang beses na kong nasaktan. Pero ngayon mas lalo akong naliwanagan sa nakita ko. Nasa isang restaurant ako at nakita ko sa salamin na nagyayakapan silang dalawa. What a coincidence...

Ano to? Nagkikita parin sila? Nasasaktan ako sa mga nakikita ko pero kailangan kong maging matatag. Naisip ko na naman ang sinabi niya sa ‘kin noon. Do  the wifely duties. Bakit hindi si Dashna ang pagawain niya ng ganun? Pinaglalaruan na lang niya ko. At sumasakay naman ako. Talaga ngang tanga ako. At ano pa ang rason ko para tumira sa bahay niya?

Agad akong umalis sa restaurant na yon ng hindi nila napapansin ang existence ko. Agad akong pumara ng taxi pauwi ng bahay.

Naluluha ako. Dahil nagagalit ako at dahil nasasaktan ako. Bakit ba kasi ako umasa?! Alam ko naman na nagsisinungaling lang siya pero bakit pa ko umasa?

Kinuha ko ang maleta ko. Buo na ang desisyon ko. Babalik ako sa Nashville, Tennessee kasama ang anak ko. Hindi ko siya isusuko. Kahit pa iharap ako sa korte.

Narinig ko ang makina ng sasakyan sa labas ng bahay. Wala akong pakialam kahit makarating pa siya. Hindi niya ko mapipigilan.

“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Rage. “Nag-iimpake. Aalis na ko.” Saad ko. Mamaya ko susunduin ang anak ko sa bahay ng lola niya. “You can’t do that, Ellizandrea. Kahit umalis ka hindi mo ko matatakasan.” He said using his dangerous voice. Nainis ako sa sinabi niya kaya naibato ko sakanya ang Coco Chanel kong pabango. Pero hindi yun tumama sa kanya at nahulog lang sa flooring.

“At ano? Kung ikaw pwede? Sige nga, Rage. Sabihin mo nga sa ‘kin kung bakit mo pa ko kailangan dito? Alam naman nating pareho na niloloko mo lang ako.” Tumulo ang luha sa ‘king pisngi dahil sa galit. Yung bang pakiramdam mo na lugi ka. Pakiramdam mo wala kang takas.

“You can’t leave me because I love you...” Mas lalo akong nagalit sa sinabi niya.

“Bullshit.” Sabi ko saka ko tinuloy ang aking pag-iimpake. Kinuha ko ang Iphone ko para magpabook ng ticket.

“Hello? I badly need a 2 ticket. Ah, yes. Flight for Ne—“

Nagulat ako ng magkalasog-lasog ang katawan ng Iphone ko sa sahig. Nakita ko ang nakakatakot na aura ni Rage.

“Ano ba?! Pwedeng bang pakawalan mo na ‘ko, Rage! Ano bang kailangan mo?! Stay the hell out of my life!!!” Ang sigaw ko ang umalingawngaw sa loob ng kwarto.

Tuloy parin ang tulo ng mga luha sa ‘king pisngi. “A-Ano pa bang kailangan mo, Rage? Nakita ko kayo ni Dashna kanina—“

“Its nothing.” Bullshit! “Hanggang kailan mo ba ko paglilihiman, huh?!”

“You can’t leave me. Your still my wife.” Simpleng sagot nito saka ako niyakap at inalo ang buhok ko sa ‘king likuran.

“Don’t joke, Rage. I’m not your wife any—“

Humiwalay siya sa yakap namin.  

“Nung araw na yon, akala ko mahal ko pa talaga si Dashna. Nabalitaan ko kasi na nakabalik na siya ng Pilipinas,”  Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

“Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko nung mga panahon na yon. At pati ikaw napagbuntungan ko ng galit. Pinapirma kita sa divorced paper na hinanda ko. Pumirma ka naman. Pagkatapos ‘non... I went to Dashna’s hotel kung saan siya nag-stay in. At ng makita ko siya laking gulat ko ng wala na kong maramdaman. I thought that I’m still inlove with her. Kaya nga ang dami kong katarantaduhang nagawa noon. At lumipas ang mga araw... nagsisi ako kasi wala ka na. Na ganun ppala yon. Pag nawala na yung isang tao, dun mo mapagtatanto na mahal na mahal mo siya. And then... Hindi ko finile ang divorced paper natin sa korte sa New York. So were still married. And believe me... I loved you. And I still do.”

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon