Chapter Twenty-Seven

16.3K 195 0
                                    

“Ohugh! Ohugh!” Bulalas ko. Mag-isa ako ngayon sa ‘king condo. Feeling ko magkakatrangkaso ata ako. Tanga lang ang nagkakasakit ng summer. At isa na ko dun. Sinalat ko ang noo ko at may lagnat nga ako. Nilove-nat ba ako dahil sa sobrang kilig ko kahapon sa mga pinagsasasabi ni Marco? Psh. Ano yun? Kailangan ko ng kissperin, ganun? Saka yakapsul? Psh. Lumang kasabihan na yun. Siguro dahil nga inalagaan ko si Marco nung mga nakaraang araw at dahil naghalikan kami nun, napasa sa kin yung sakit niya. Ba’t ba kasi ako pumayag magpahalik sa kanya nung may sakit siya?

Sininga ko pa sa tissue yung sipon ko habang nanunuod ng T.V.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya naman sinagod ko agad. “Baby?..” Ani Marco. “Yes, baby?” Sagot ko. “Ba’t parang paos ka? May sakit ka ba?” Tanong niya saka naman ako napaubo. “Oo.” Sabi ko. Bigla nalang niya kong pinatayan. Bakit? Loko yun, ah?

Ako na nga yung may sakit, ako pa yung pinatayan...

---

Ilang oras din akong nanuod ng movies sa cable. Puro romantic movies naman ang palabas. Napalingon ako sa pintuan ng may nagdoorbell. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang pinto ‘yung tao. Nagulat ako ng si Marco ‘yon. “Anong ginagawa mo dito?” Kunot-noo kong tanong. Hinalikan niya ang pisngi ko at pumasok. Wala na kong nagawa kundi isara ang pintuan.

Inilapag niya sa mesa ang mga paperbag na dala niya. Napakagat-labi ako. “Para sa’n yan?” Tanong ko.

Lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Don’t be slow, baby. Aalagaan kita dahil maysakit ka.” My heart skipped a beat. “H’wag mo nga kong hawakan. Mahahawa ka lang sa ‘kin.” Utas ko. Ngumiti siya.

“Kakatrangkaso ko lang kaya di na ko mahahawa sa ‘yo.”  Tinignan ko lang siya bago ako nagpunta sa ‘king kwarto. Ramdam ko na kasi yung init sa katawan ko at sa mata ko. Gusto ko ng magpahinga.

Ramdam ko ang mga yapak ng paa niyang sumunod sa ‘kin.

Humiga ako sa kama ko at nagkumot. “Marco, dun ka nalang. Ayaw kong naiistorbo ka dahil sa ‘kin. Wala ba kayong practice?” Sabi ko sa paos kong boses.

“Wala. Magluluto lang ako ng porridge soup.” Napanganga ako. “M-Marunong kang magluto?”

“Nagyoutube ako kanina. Tinignan ko kung paano. Don’t worry. Tinesting ko na kanina kung pa’no kaya sigurado akong alam ko na ngayon.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Lumakad siya papunta sa ‘kin and he kissed my forehead. “I’ll be back.” Tinanguan ko lang siya.

Sinubukan kong maglaro sa cellphone ko pero mainit ang mga mata ko kaya nilapag ko nalang dun sa table ko na may lampshade. “Hey.” Tinignan ko si Marco na may dala-dalang tray. Isang basong tubig at mangkok ang naroon at gamot, ata?

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon