freak ella

2.7K 85 22
                                    



Cherry POV





Maaga akong ginising nang alarm clock ko,kaya bumangon na ako at nag hilamos muna at nag toothbrush bago lumabas nang kwarto ko at pumunta nang kusina para mag luto nang breakfast ko.





Patapos na akong mag luto nang tumunog yung door bell,binuksan ko naman ito agad at nakita ko si troy na naka tayo sa labas nang pinto nang unit ko.





"morning barbie"naka ngiti pa nitong bati sa akin





"morning too,nag jogging ka ba?"tanong ko naman dito.





"hindi,sa gym ako galing,dyan lang sa second floor"





"okay,pasok ka,dito kana mag breakfast,tamang-tama,katatapos ko lang mag luto"tuwang tuwa naman ito sa sinabi ko at sumunod ito sa likod ko.





Pinag timpla ko muna siya nang kape,at nag luto ako nang egg fried rice para sa kanya,ako naman gatas at ham,egg,cheese sandwich lang ang kinakain ko pag umaga.




Narinig kong may nag door bell nanaman,tatayo na sana ako para buksan ang pinto,pero tumayo din si troy at siya na daw ang mag bubukas.





Nakita kong kasama na niya sina james at zander pabalik dito sa dinning area nang unit ko,binati ako nang good morning ni james pero si zander ay nga-nga,anong nangyari sa kanya?nakita lang ako,napa nga-nga agad?oa ha.





"breakfast?"aya ko sa kanilang dalawa,umupo naman agad silang dalawa,kumuha naman ako nang tig dadalawa pang plato,kutsara at tinidor,pinag timpla ko na din silang dalawa nang kape.





"baliw tong si troy,ayaw pa sabihin kagabi kong sino ang nakatira dito,ikaw lang pala yun jerry daga,hahahaha"asar tong si zander ah daga talaga ang tawag sakin?ginaya pa si ulap.





"iwan ko sayong ingot ka,kaasar ka,sa susunod nga troy wag mo isama dito yang ingot na yan pag pumunta kayo okay?"naka busangot kong sabi kay troy,tumawa lang sila ni james,Pinag tawanan ba naman ako?





"ako ingot?ang pogi ko namang yatang ingot daga"at nag pa pogi sign pa ito sa akin at kumindat.





"eeww,pumasok ba ang bagyo sa condo ko?parang lumakas yata ang hangin ah"lumakas pa lalo ang tawanan nila troy at james,at nakisali pa ang ingot na to.Tuwang-tuwa naman.





"alam mo barbie,parang ikaw yung nakasabay namin ni zander sa elevetor nong monday ah?"si troy nag sabi non.





"ako nga siguro yun,kasi na mukhaan din kita,tayong tatlo lang ang sakay non eh,panay pa tingin mo sakin"





"oo nga,hahaha,small world talaga,diba barbie?"





"yah"





Nang matapus na kaming kumain ay nag presinta si james na mag hugas nang pinag kainan namin,kaya tinulungan ko nalang siya,ang dalawa naman ay bumalik na sa unit nila at maliligo na daw sila.





Sabay naman kaming apat na pumasok sa school,pero kanya kanya kami nang kotse,naunahan na naman nila akong makarating sa school,at ako naman si huli,pag baba ko,inasar agad ako ni troy.





"anu ba yan barbie,ang bagal mo naman yatang mag maniho,para kang pagong hahahaha"asar niya sa akin.





"baka pag nag karera kayo ni bakla,kakainin mo yung alikabok na dinaanan niya?"pag tatangol sakin ni vicky,napa smirk nalang ako,at niyaya na ang gal's na umalis na.





SILVER HEART UNIVERSITY(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon