Zander POV
Andito kami ngayon sa bahay nila cloud. Naisipan naming pito na mag sleep over dito, para sabay nadin kaming pumasok bukas sa school. Di' kasi kami kanina naka pasok kasi boring ang first day of school, puro introduce yourself lang naman yon maghapon, kaya tumambay muna kami sa tambayan naming pito. Doon sa bar nila Tristan.
Tumayo ako at nagpunta muna sa banyo kasi naiihi na ako, pagbalik ko ay di' muna ako umupo ulit sa tabi ni James, magkatabi kasi kami kanina na naka-upo.
Nakatayo lang muna ako, nang makarinig kami ng babaeng sumisigaw at tinatawag si cloud habang tumatakbo ito pababa sa hagdan. Lilingon na sana ako ng biglang may yumakap sa akin sa likod at sinabing...
"Waaaaaahhh, ulap namiss kitaaaaa sobra, bakit di' kita nakita kanina sa school?" Tanong nito sa akin habang naka yakap parin ito sa likod ko, hindi naman ako agad nakapagsalita kasi nabigla talaga ako. Napagkamalan pa akong si Cloud, pati mga kaibigan ko ay nagulat din at puro naka nganga. Nagsalita ulit siya "Ulap? Di' mo ba ako namiss? Kakatampo ka naman," matamlay na sabi niya.
Narinig ko namang tinawag ni Cloud yong babaing nakayakap sa akin, at bigla itong napabitaw ng yakap at nilingon nito si Cloud na nakakunot ang noo.
Nagulat din ito ng makita niya si Cloud na nasa likuran lang pala niya ito, at sunod niyang tinignan ay ako, biglang lumaki ang mata nito ng makita yung mukha ko at napa takip pa ito sa bibig nito.
"Cherry, kaylan ka pa dumating? At magka kilala pala kayo ni Zander? Bakit hindi ko yata alam yun? boyfriend mo ba siya ha?'' Kunot noong tanong parin ni cloud sa tinawag niyang Cherry. Hindi naman ito nakasagot agad, shock parin siguro ito sa nangyari.
Lumapit naman si Cloud sa kanya at pinitik ang noo nito, kaya bigla itong napakurap at bumalik na siguro sa sarili nito kasi napa aray ito nang pitikin ni Cloud ang noo nito.
"Ouch😡para saan ba yun Ulap? Buti nalang hindi masakit ha!" daing nito at napa hawak pa sa noo nito na parang naiiyak na.
"Kanina pa kita kinakausap, bakit di ka kasi sumasagot agad?" Napatingin ulit ito sa akin bago niya sinagot si Cloud.
"A-akala k-ko ka-kasi i-ikaw siya?" Pautal utal niyang sagot habang nakaturo pa ang kamay nito sa akin.
"Ay naku Cherry, di' hamak naman na mas pogi ako dyan no, kaya malabo na mapagkamalan mong ako siya," napa 'tsk' nalang ako sa sinabi ng Ulap na to, yabang talaga, mas pogi kaya ako sa kanya.
"Waaaahh nakakahiya ang ginawa ko Ulap, sorry sorry sorry talaga Kuya, saka hindi ko naman alam na pupunta pala yung mga kaibigan mo dito, and first time ko din silang makita, kaya you can't blame me Kong bakit napagkamalan kong ikaw siya," hinging paumanhin nito sa akin, at nagpaliwanag nadin ito, napa 'tsk' nalang ako ulit at umupo sa inuupuan ko kanina sa tabi ni James.
"Hayaan mo na, by the way, kanina ka pa ba dumating cherry?" Tanong ulit ni Cloud don sa cherry.
"Dito sa bahay oo, pero sa condo ko kahapon pa, don lang ako dumiritso kasi napagod na ako kagabi sa byahe, at dito muna ako matutulog kasi namiss na kita agad Ulap," niyakap niya si Cloud at pinag hahalikan pa sa magkabilang pisngi, nakaramdam naman ako ng inis sa nakikita ko sa kanila, iwan ko kong bakit, tinignan ko naman ang mga kaibigan ko na tulala parin at naka tingin kina Cloud at Cherry.
BINABASA MO ANG
SILVER HEART UNIVERSITY(complete)
Teen FictionCHERRY CHAN? Marami man siyang napag daanan na pag subok sa buhay. Ay hindi naman yun naging hadlang para makamit niya ang kanyang tunay na pag-ibig. Tatlong beses man siya nasawi sa pag-ibig. Dahil naman doon naging matapang at matatag siya sa hul...