Cherry POV
Pagka-alis ko nang bar nila tristan dumiritso nanaman ako sa bahay nang mga gangster.Pagkatapos kong mag doorbell nang tatlong beses,bumukas naman agad ang gate nila.
Hinagis ko nalang yung susi nang kotse sa kong sino man ang nag bukas sa akin.Bahala na siya mag papasok nang kotse ko.
Diri-diritso akong pumasok sa loob nang bahay nila,at kahit nanglalabo na ang mga mata ko sa kalasingan,ay nakita ko padin silang naka upo sa sofa at nanonood nang tv.
At alam kong pag pasok ko nang pinto ay napatingin silang lahat sa akin.Lumapit ako sa sofa,pina-alis ko yung isang naka-upo sa sofa,hinila ko siya patayo.At tinulak.
"ikaw,usog ka doon sa dulo"turo ko sa kong sino man yung naka-upo doon,hindi ko na kasi sila makilala. "ikaw din,usog ka doon"at nang makita kong wala nang naka upo sa gitna,ay nahiga na ako.
Handa na sana akong matulog,kaso bigla namang tumunog yung phone ko.Kinapa ko naman ito sa bulsa ko,at sinagot.
"yes,hello?"
"bakla,nasaan ka ba?sabi ni tristan galing ka sa bar nila?"boses ni sammantha yong tumatawag.
"oo,galing nga ako doon,umalis na ako,kasi umuwi na ako"
"san ka umuwi?eh sabi ni cloud wala ka doon sa mansion,at hindi ka naman daw umuwi sa condo mo,sabi nila james,asan ka na ba?"nag aalala ang boses niya.
"wag kang magulo,nasusuka ako,susukahan kita sige ka"sabi ko sa hinihigaan nang ulo ko,iwan ko kong kaninong lap tong hinihigaan ko.
"bakla,sino yung kinakausap mo?bigay mo nga yung phone sa kanya"agad ko namang inabot sa kong sino mang tao ang malapit sa akin.
"oh,kausapin ka daw"pagka-abot ko sa kong sino man ang inabutan ko,ay natulog na ako.
KINABUKASAN
Nagising akong sobrang sakit nanaman nang ulo ko,hangover is real kasi,huhuhu,sarap i-pokpok yung ulo ko sa matigas na bagay.
Hindi muna ako dumilat kahit gising na ako,nakapikit padin yung mata ko,ayoko munang bumangon,nasusuka kasi ako.
May naririnig akong mga boses na nag uusap,sa tabi ko.
"hoy red,ikaw nga muna pumalit sakin dito sa pwesto ko,nakakangalay na eh"boses ni greg yun ah,memorize ko na kasi yung mga boses nila.
"okay,alis kana dyan"pagtataboy ni red kay greg.
"bakit kaya naglasing nanaman ang babaeng to?"rinig kong tanong ni renz.
"my problema nanaman to sigurado"sagot naman ni brad.
"OH MY GOSH KUYA,WHO IS THAT GIRL?"sigaw nang babae,arrrggg,sakit sa ulo ang boses niya.ma sasapak ko kong sino man yun.
"will you shut up?you're so loud"saway sa kanya ni kendreck.
"eehh,who is that girl nga kasi kuya"teka nga,parang kilala ko ang boses nong babaeng nag salitang yun ah.
"she's cherry,our friend?"sabi ni kendreck.
"she's pretty ba just like me?"eh kong sapakin ko kaya siya,syempre sobrang ganda ko kaya.
"oo,at sobrang ganda pa nang mylove's ko kesa sayo"sagot sa kanya ni red.Good job Red.
"whatever pula"
"aray"reklamo ko naman,sabay bangon.Arrrggg,nahihilo parin ako.Kaya pumikit ako ulit kahit naka upo na ako.At sinandal ko yung ulo ko sa balikat nang katabi ko.
"hey,i know that girl ah,she's the witch,yung naka away ko kahapon,yung kinikwento ko sa inyo kagabi"
"annoying conyo bitch,dont talk please,nasusuka ako lalo sa boses mo"sabi ko habang nakapikit padin.
"kuya oh,she make me away-away again"sumbong pa niya sa kuya niya,bakit,sino ba kuya niya?at paki-alam ko sa kuya niya.Pag buhol-buholin ko pa silang dalawa eh.
Narinig ko nanamang tumunog yung phone ko,kinapa-kapa ko naman kong saan-saan,di ko kasi naalala kong saan ko nalapag yun eh,Hanggang my makapa akong mabato-bato.
"oh my gosh kuya,she make chansing on you're body"rining kong sabi ni conyo bitch.
"ops,sarreh,paabot naman nang phone ko please"paki-usap ko sa kanila.
"here,idilat mo na kasi yang mga mata mo"boses ni kendreck yung nag salita.
"mamaya na,sobrang sakit pa kasi nang ulo ko eh"pero dinilat ko muna ang isang mata ko,para makita ko kong nasaan yung answer botton,at pumikit ako ulit nong napindot ko na ito.
"hello"
"anak,naka-uwi ka na ba?"si mommy pala yung tumatawag.
"hindi pa mom,maya-maya na po,okay naman po ako dito eh,kaya nothing to worry"
"panong hindi ako mag aalala sayo eh,gabi-gabi ka nalang daw umiinom?"
"mom,gusto ko lang po kasing makalimutan kahit sandali yung mga nangyari sa akin,masakit padin po kasi,ayaw po ma tanggal mom,kaya sorry kong pinag alala ko kayong lahat,hindi ko na po kasi alam kong anong gagawin ko mom eh,gusto ko na nga pong mawala eh,kaso hindi pa pwede"at naramdaman kong my tumutulo nang mga luha sa pisngi ko,hinayaan ko lang itong dumaloy.Pero naramdaman kong my pumunas nang luha ko at niyakap pa ako.Kaya nabitawan ko yung phone ko at napa hagulgol nanaman sa pag iyak.
Nakatulugan ko nanaman ang pag iyak,kasi pagka gising ko,nasa kama na ako naka higa.
Bumangon ako at dumiritso sa banyo,binuksan ko ka-agad ang shower,at tinapat sa ilalim nito ang buong katawan ko,pati damit na suot ko nabasa na,kaya hinubad ko ito isa-isa.Naligo na ako,pag katapos kong maligo,ay hinanap ko yung tuwalya,ay tanga,wala pala akong dalang tuwalya pag pasok ko nang banyo.Kaya no choice ako,lumabas akong nakahubad kahit tumutulo pa yung tubig sa katawan ko.
Wala namang tao sa kwarto eh,ako lang mag-isa dito,kaya pwede akong maglakad nang nakahubad.Dumiretso na ako sa closet pagkalabas ko nang banyo,para kumuha nang damit na susuotin ko.
My nakita naman agad akong damit ko sa loob nang closet,meron pa pala akong naiwang damit dito.Pati underwear meron din.Kaya sinuot ko nayun.
Pagka tapos kong magbihis,paglingon ko sa my bandang kama,nagulat ako,kasi nakita ko si kendreck na tulalang nakatayo sa gilid nang kama at,malalaki ang mata nito.
"h-hey,kanina ka pa ba dyan?"tanong ko,pero tanging tango lang ang nasagot niya.Oh my gosh,so he saw me naked?
"forget it okay,akala ko kasi wala pang papasok dito sa kwarto"dahil hindi naman siya sumagot,patakbo akong lumabas nang kwartong yun,hiyang-hiya talaga ako.Kahit my anak na ako,nahiya padin ako,kasi ibang tao naman yun,at hindi ko siya asawa.Pero he saw everything on me,stupid cherry,so stupid.
😉
*******
Like
Comment
& ShareLove Lots😉😉
BINABASA MO ANG
SILVER HEART UNIVERSITY(complete)
Teen FictionCHERRY CHAN? Marami man siyang napag daanan na pag subok sa buhay. Ay hindi naman yun naging hadlang para makamit niya ang kanyang tunay na pag-ibig. Tatlong beses man siya nasawi sa pag-ibig. Dahil naman doon naging matapang at matatag siya sa hul...