Cherry POV
Ngayong umaga nang sabado,maaga akong nagising para ipagluto ang mahal kong fiancee,tama kayo nang basa,MAHAL Ko na po siya,ang aking calvin.
Sa araw-araw ba naming pag sasama,at walang palya niyang pag paparamdam sa akin kong gaano niya ako ka mahal ay tuluyan na ngang nahulog yung loob ko sa kanya.At sobra ko na siyang mahal.At yung kay zander?i love him as a friend nalang.
Pinag luto ko ang mahal ko nang ham,bacon,fried egg ang egg fried rice.Tutok na tutok ako sa ginagawa ko at hindi ko man lang naramdaman yung pag pasok niya sa kusina.
Niyakap niya nalang ako bigla at hinalikan sa tuktok nang ulo ko.
"hmmm,amoy bacon kana hon"sabi niya habang sinisinghot-singhot niya pa ako.
"ah ganun?sige..pag naka ligo na ako at sobrang bango ko na,who you ka sa akin"kunwaring pag tatampo ko sa kanya.
Bigla niya naman akong pinaharap sa kanya,nag titigan kaming dalawa.At dahan-dahang lumapit yung labi niya sa labi ko,he kiss me gently with love,and i kiss him back.10 minutes din kaming naghalikan at siya na mismo yung pumutol nito.At sabay kaming nag habol nang hininga.
"kahit anu pa ang amoy mo,mahal pa din kita,so wag ka nang mag tampo okay honey ko?"pagkatapos niyang sabihin yun ay hinalikan niya ulit ako,pero sa noo ko na.
"mahal din po kita honey ko,kaya kumain na tayo
"tumawag nga pala si ate,mag ready na daw tayo at pupunta tayo ngayon nang beach,dadaanan nalang daw nila tayo dito"pag ka upo niya ay sinabi niya yun sa akin.
"really?wow im so excited then"
Pagkatapos naming kumain,at mag hugas nang pinag kainan namin,ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto at nag impake na nang mga dadalhin namin.
Nag aantay na kami ngayon sa lobby nang condo building namin,kasama na namin sila,troy,james at zander.Nag ngitian lang kami ni zander,at kahit totoong naka move-on na ako sa kanya,ay medyo naiilang padin ako sa kanya.
Saktong 10 minutes ay dumating nadin sila.
1hour din yung byahe namin papuntang private resort namin.Sobrang ganda talaga dito,at marami nadin palang nag bago,maraming pinaayos sila daddy,at gumanda pa lalo.
Share daw kami nang kwarto ni calvin,kasi kukulangin yung kwarto sa bahay namin dito sa private resort.share share din yung iba.
Pag pasok namin sa kwarto ko dito,ay inayos ko kaagad yung mga gamit namin ni calvin.Pinag pahinga ko nalang siya at ako nalang yung nag ayos nang mga gamit namin.
Nang natapos ko nang ayusin yung mga gamit namin,ay tumabi ako sa kanya sa kama.
"are you tired?"tanong niya sa akin.
"a little"
"okay,let's rest first before we go outside"
Tumango nalang ako,pinahiga niya ako sa dibdib niyang may abs,oh my abs,yummy..(hehe)
Di nag tagal ay nakatulog din kaming dalawa habang magka yakap kami.
BINABASA MO ANG
SILVER HEART UNIVERSITY(complete)
Teen FictionCHERRY CHAN? Marami man siyang napag daanan na pag subok sa buhay. Ay hindi naman yun naging hadlang para makamit niya ang kanyang tunay na pag-ibig. Tatlong beses man siya nasawi sa pag-ibig. Dahil naman doon naging matapang at matatag siya sa hul...