Dallas POV
Pagkarating ko sa bahay, nagshower agad ako para makapagrest na. Nakaboxers and white shirt na ko nang mag ring ang phone ko.
Ruru calling...
"Hello, bakit?" Sagot ko sa tawag ni Ruru.
"Paps, Bank Bar ngayon na!!" Sabi naman nito na parang nagmamadali. Puta. Alam na. Nagbihis ako agad at kinuha ang helmet ko. Yung big bike ko ang ginamit ko papunta sa Bank Bar para mabilis.
"Ano nangyayari dito? Akala ko nag uwian na kayo." Tanong ko sa kanila at si Ketchup ang sumagot sakin.
"Umuwi na naman talaga kami. Itong si bunso tanungin mo, tinawagan lang din kami nito eh." Napatingin naman ako kay Ruru.
"Eh, malay ko bang may boyfriend yung kasama kong chick at kaaway pa natin." Nakita kong may pasugod na lalaki at hahampasin si Ruru ng baseball bat.
Mabilis ko naman nahawakan ito at nagsimula na nga ang gulo.
Suntok dito, tadyak don, hampas dito basagan ng bote dun, nagulo ang buong bar at natakot ang mga tao hanggang sa dumating na ang mga bouncer ng bar ngunit di pa rin kami maawat ng mga to kaya tuloy pa rin ang laban at nadamay na din sa sakitan ang mga bouncer na umaawat lang.
Nagulat naman ako ng may biglang sumigaw.
"WHAT THE HELL? MAGSITIGIL KAYO!!" napatingin naman ako sa babaeng sumigaw at napatulala ako. Holy shit. Dyosa! Nakalimutan ko nang may away pala at muntik na ko matamaan buti na lang dumating si Gabby at sya na lumaban don. Kaya na nila yan.
"Ma'am, tumawag na po kami sa mga pulis." Sabi nung isa pang babaeng chinita dun sa Dyosa. Teka. Ano daw? Pulis? Fuck.
"MGA TOL, SIBAT! MAY PARAK!" Sigaw at yaya ko sa mga tropa ko at sumakay na sa big bike ko. Umangkas naman sakin si Ruru at mabilis na pinatakbo yun patungo sa hide out namin.
Nauna kaming dumating ni Ruru sa hideout at sunod naman na dumating si Gabby na naka big bike din at sila Ketchup sakay ng kotse ni Alwynn.
"Sino ba yung mga yon?" Tanong ko sa kanila. Sa dami ng kaaway namin di ko na kilala yung iba.
"Grupo nila Aljur yon, paps. Di ko naman kasi alam na may boyfriend si Kylie at yung mokong na yun pa." Sagot ni Ruru. Teka, Kylie??
"Kylie Padilla?" Tumango naman sya bilang sagot.
"Kaya nga nakaaway natin yung mga yun dati kasi nakarating dun kay Aljur na nadale mo si Kylie." Sabat naman ni Gabby at napatingin sakin si Ruru na nagtataka.
"Isa sya sa mga naka-one night stand ko dati nung di ka pa dumadating samin," tumango tango naman sya na tila naiintindihan yung sinasabi ko.
"Pero teka napuruhan nyo ba? Babawi ulit yun. Si Mike nasaan? Si Jason? Sabihan nyo sila na mag ingat."
"Copy, paps."
"Anong gagawin natin ngayon?" Sabay na sabi ni Ketchup at Kean.
"Wala muna. Hintayin natin sila maunang lumapit satin." sagot ko sa kanila.
"Kung ganon eh, chill muna tayo. May beer pa ba dyan sa ref? Inom tayo." sabi ni Kean. Sumang ayon naman silang lahat bukod sakin.
"Paps?" Tawag nila sakin. "Pass na ko. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw na to. May meeting pa ko bukas. Mauna na ko sa inyo. Balitaan nyo na lang ako." Paalam ko sa kanila at kinuha na ang helmet ko.
Kinaumagahan
After preparing for work, bumaba na ko para mag breakfast. Naabutan ko naman yung kapatid ko don na nagcocoffee.
"Si dad and tita, kailan babalik?" Tanong ko sa kanya at gulat na gulat naman syang napatingin sakin.
"Ha? Ah. Marami pa raw inaasikaso sa LA branch pero baka this coming week umuwi sila." Okay. Di na ko sumagot at tinuloy ang pagkain ko.
"Anong nangyare dyan sa mukha mo, Dallas?" Tiningnan ko muna sya.
"Wala to. Sige, alis na ko." sagot ko na lang.
"Tapos kana agad kumain?" tanong nya pero di na ko sumagot at tumayo nalang ako.
Habang palabas ako ng pinto narinig ko pa yung kapatid kong may kausap sa phone.
"Hello, bestie. Oh my god. Kinausap ako....." Di ko na narinig yung sunod na sinabi nya. Sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar yon.
Denise's POV
Habang nagchecheck ako ng social media accounts ko ay biglang nag notify ang facebook dahil may nag-friend request sakin.
"Jason Chua...." iniisip ko kung sino at kung san ko ba nakilala tong taong to ay bigla namang nagring ang phone ko.
Bestie calling....
"He-"
"Hello, bestie. Oh my god. Kinausap ako....." bungad nya sakin.
"Ha? Nino? Nakakagulat ka naman!"
"Bestie bago yun! She never talked to me, as in never! Kanina lang!" at nagets ko naman kung sino yung tinutukoy nya kahit di nya sinagot yung tanong ko.
"Ano ba sabi sayo?"
"Hinanap nya sakin sila mom and dad, oh my God bestie," napa-face palm naman ako dahil sa pagka-OA nitong loka lokang to.
"Good for you, and I'm happy for you bestie that was a great achievement," sarcastic na sagot ko and I rolled my eyes.
"You witch!" naiinis pero tatawa tawa nyang sagot.
"Hahahaha B para namang crush mo yung pumansin sayo, para ka kasing tumama sa lotto kung makareact ka,"
"Eh sa nanibago ako eh tsaka FYI di ako natutuwa na kinausap nya ko, sa totoo lang ayoko nga dun at napakayabang ng dating akala mo lalaki," depensa nya.
Pagkatapos naming magusap ni Bianca ay biglang may nagpop out na namang notification sa messenger ko.
Jason Chua added you on messenger.
Jason Chua waved at you.I click the wave back button and added him on messenger, inaccept ko na din yung friend request nya.
Chineck ko yung profile nya para makilala kung sino sya baka sakaling matandaan ko kung san kami nagkakilala at nagsisi ako sa pagaccept sa friend request nya.
Sya yung creepy guy na lumuhod nun sa harap ko sa Clark. Hindi naman sya pangit, actually gwapo at may dating sya kaso yung kinikilos nya kasi ang sumisira ng pogi points nya.
Jason Chua is calling you....
Hindi ko nalang sinagot yung call imbis na idecline ko para hindi naman sya mabastusan pero the hell na 3x na sunod sunod na syang tumatawag.
Kinakabahan ako dahil halos malobat na yung phone ko kakatawag nya sa messenger kaya mabilis kong binuksan yung laptop ko para iblock sya sa facebook.
Pagbukas na pagbukas ko ng facebook ay nagmessage sya and dun ako pinaka-kinabahan.
"Don't you dare na iblock ako kundi papasukin kita ngayon dyan sa kwarto mo..."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Papaya pampagana sa pagbabasa
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfiction"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...