Denise's POV
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU... HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY... HAPPY BIRTHDAY TO YOU..."
"Blow your candle na Hayes." Sabi ni Dallas sa anak namin habang finofocus nya kay Hayes yung video cam, simula nang pinanganak si Hayes wala nang ginawa si Dallas kundi picturan or videohan yung bata, kumpleto nga sya ng picture mula 1st month hanggang ngayon na nag isang taon na si Hayes, nakikita ko naman yung ngiti ni Dallas na sobrang laki kaya napangiti ako kasi kung iisipin perfect na perfect na yung buhay namin magpamilya.
"Dada... Dada.. Dada..." Hay puro dada pa rin! Hindi ko alam kung nang-aasar ba tong anak ko o ano eh. Nag-isang taon na't lahat ni hindi man lang mabanggit yung mama puro dada nalang hmp!
So ayun nga 1 year old birthday na nga ni Hayes and Cars themed. Hehehe nakuha man yung mukha ni Dallas nakuha naman sakin yung ugali tsaka hilig. As you can see este read parehas naming favorite person ang dada nya hihihi pero ang mas bongga is yung namana nya sakin yung hilig sa cars at I think pati sa racing.
"Uhm-mamama"
May time nga na nilagyan ko sya ng headband kasi ang haba ng hair nya pero ginawa lang nyang steering wheel yung headband na nilagay ko.
"Uhmma-mma"
Noong first wedding anniversary naman namin ni Dallas nagbeach lang kaming tatlo kasama si Bestie at Chup. Gustong gusto rin ni Hayes yung beach. Sobrang enjoy sya.
"UHMMA-MAMAAAA!!!!!!"
"Ay kalabaw! Ano ba yun nakakarindi!
"Uhm-ma..ma..." Wait ano daw?
"Ano yun baby?" Tanong ko sa kanya
"Uhm-mama." sabi nito habang sumasabay yung paglabas ng laway nya habang nagsasalita pero OMG! Finally!
"Tawag ka niya. Tulala ka raw dyan eh." Malokong sabi ni Dallas habang nakatapat ulit kay Hayes yung video cam.
"OMG love narecord mo ba yun? Oh my finally baby!" sa tuwa ko ay kinarga ko si Hayes at pinanggigilan, nagpupumiglas naman ito at nasampal yung mukha ko, nagtawanan naman silang lahat.
"Iiiihh huk..huhu dadaaa huhuhu da waaaah uwaaaah" inaabot naman nya si Dallas habang palakas ng palakas ang iyak nito. Hay nako basag trip talaga tong batang to, parang natutuwa lang eh. Ako na nga nasampal sya pa umiyak.
"Tahan na baby halika na boobooboo," kinuha naman sya sakin ni Dallas at inabot sakin ni Dallas yung video cam.
Pagkabuhat na pagkabuhat sakanya ni Dallas ay agad itong tumigil sa pagiyak. Tinuloy ko ang pagkuha ng video at itinapat sakanilang mag-ama.
"Hahahah wala ka pala Denise eh! Echapwera kana hahaha" pang-aasar ni Kat at nagtawanan na naman ang lahat.
Ngiting-ngiti naman si Dallas.
"Baliw ka talaga Katrina, kahit anong pang-aasar gawin mo jan di maniniwala yan. Alam na alam nyan kung gano ko sya kamahal diba love?" sabi nito habang nakatingin sa camera.
"I love you love" pahabol pa nito habang ngiting ngiti padin.
Natahimik naman ang lahat sa ka-sweetan ng asawa ko. Grabe feeling ko pulang pula nako sa kilig. Bigla-bigla naman kasing bumabanat tong mokong na to.
''Woooooh! Akalain mong bumabanat na si Papi ng ganyan? Ibang klase talaga alindog mo girl!" pambabasag ni Alex ng katahimikan at nagtawanan ulit ang lahat.
"Happy birthday inaanak kong pogi mana sa ninong!" bati ni Ruru kay Hayes pagkadating na pagkadating nito sabay karga sa inaanak nito. Nagligalig naman ang batuta at napagtripan ang buhok ng ninong nya, parehas palang mahaba ang buhok nila mukha tuloy magkuya hahaha.
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfiction"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...