Chapter 12

2.7K 91 6
                                    

Dallas' POV

"Tama na yan. Dito na kayo mag palipas ng gabi, guys. Wala ng lalabas, okay?" sabi ni mommy

"Uh, ma?"

"Yes, Dallas?"

"Where's dad? Bat kayo lang umuwi?"

"Sobrang busy pa ng daddy nyo kaya nauna na ko umuwi dito."

"Eh, ma kailan uuwi si daddy?" tanong ni Bianca

"Maybe next week? I'm not sure. Tatanungin ko sya pag tumawag. Sige na, maiwan ko na kayo. Magpapahinga muna ako."

"Okay, ma. Good night." Sabi namin ni Bianca

"Mga bro, anong gusto nyo gawin?" Tanong ko sa kanila

"B, pwede bang matulog na ko sa room mo? Pagod na talaga ako eh." Sabi ni Solenn kay Bianca

"Sure, tara bestie. Mag movie marathon tayo." Yaya pa nito kay Denise

"Tayo paps, dun sa garden. Mukhang may ikukwento ka samin eh." Sabi ni Alwyn

"Sige sunod ako." sabi ko at pinauna na sila sa labas

"Denise, pwede ba tayo mag usap?" tanong ko sa kanya tumingin naman sya kay Bianca na parang nagpapaalam kung pwede ba.

"5 minutes, bestie. Una na kayo ni Solenn. Susunod ako agad promise." Umalis na rin sila Bianca kaya naiwan kami dito ng girlfriend ko. Hahahaha

"Bat nakangiti ka?" tanong sakin ni Denise na mukhang badtrip

"Wala naman masaya lang kasi girlfriend na kita."

"What? Anong pinagsasasabi mo?"

"Sabi mo kanina girlfriend kita diba?"

"Sinabi ko lang yun para makita yung reaction nung dalawang babae kanina. Kung idadagdag mo lang ako sa listahan ng mga babae mo. Tigilan mo na ko."

"Ano? Hindi ko gagawin yun, Denise."

"Kung seryoso ka talaga, magpaalam ka sa parents ko, kay Bianca tsaka kung liligawan mo ko, gusto ko ako lang. Ayaw kong makikita o malalaman na nakikipag-usap ka sa ibang babae except sa dalawang kaibigan mo. Tsaka pwede ba magtino ka muna? Di ka lang habulin ng chicks eh. Habulin ka rin ng gulo."

Napanganga naman ako sa sinabi nya! Kaya ko bang harapin yung parents nya? Si Bianca? Baka pahirapan ako nun! Walang ibang babae? Madali lang umiwas sa tukso pati na rin sa gulo. Sa tingin ko, kaya ko naman.

"Tsaka nga pala, ayoko ng naninigarilyo." dagdag pa nya.

"Kayang kaya ko lahat yan, love!"

"Talaga lang ah? Hahaha. Sige, good luck." Sabi nya sabay kiss sa cheeks ko.

WHAT. THE. FUCK.

"Paps, tagal mo naman."

"Paps! Huy! Ano nangyare sayo? Bat hawak mo yang pisnge mo? Mukha kang gago dyan." Asar sakin ni Ketchup

Di ko namalayan natulala pala ako at iniwan ako ni Denise mag isa dun sa loob.

"Huh? Si Denise?"

"Ewan, mag isa ka na lang kaya dito. Kanina ka pa namin hinihintay dun sa baba."

"Ganon ba? Tara na."

Pag dating namin sa garden inasar nila kami ni Ketchup.

"Ayan na pala mga lover boy natin." sabi ni Gabby

Deep Breaths [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon