Chapter 23

1.8K 85 11
                                    

Dallas' POV

"DENISEEEE!"

"DENISE!!!" Fuck! Nasaan na sya? Kasalanan ni Sanya to!!!

Pupuntahan ko sya! Ang dami kong tanong at sya lang makakasagot sa mga yun.

[Sanya's House]

"Sanya!" Tawag ko sa kanya, dere-derecho akong pumasok at hinanap sa buong bahay nila.

"Sanya!"

"Oh, Dallas?"

"Jak, nasaan yung magaling mong kapatid?"

"Bakit? May problema ba? Ayan na pala sila oh." Sabi nya tsaka turo kay Sanya at Drake na kakarating lang.

"Dada!" sigaw ni Drake at tumakbo palapit sakin.

"Bah, ano ginagawa mo dito?"

"Bro, pwede ba i-akyat mo muna si Drake sa room nya?" Sabi ko kay Jak

"Sige, bro. Let's go, Drake." Aya naman nya kay Drake

"Bah, may problema ba?" Nag-aalalang tanong nya

"Sanya, ano ibig sabihin nito?" Sabi ko tsaka pinakita yung video

"What the hell? Ano to, Dallas?" Gulat na tanong nito habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa phone na hawak ko.

"Damn it. Ako dapat nagtatanong sayo nyan. Ano to?! Ba't may ganyan!?"

"Wala akong alam dyan, bah."

"YUNG TOTOO?!" Sigaw ko sa kanya

"Hindi ko nga alam yan. Ba't sakin ka nagagalit?!"

"Tangina andun tayo sa kwarto mo. Sino pa ba sisisihin ko diba!?" Tama naman ako diba?

"Eh sa hindi ko nga alam yan. Baka naman may gusto manira sa inyo ni Denise?" Napaisip naman akong bigla sa sinabi nyang yun, manira? Sino naman?

"Siguraduhin mong wala kang kinalaman dito kasi hindi ko na alam, Sanya. Makakapatay talaga ako pag iniwan ako ni Denise." Fuck. Kailangan ko nga pala habulin yung girlfriend ko.

"Aalis na ko. Kailangan ko magpaliwanag kay Denise." Paalam ko sa kanya

"Bah, mag-iingat ka." sabi nya tsaka yumakap sakin

Sanya's POV

Wag ka ng umasa na maayos pa kayo, Bah. Sakin ka lang. Ayan yung gusto kong sabihin habang nakayakap ako sa kanya.

Pagkaalis ni Dallas bumaba yung kapatid ko galing sa room ni Drake.

"Ano nangyari? Ba't nagsisigawan kayo?" Tanong sakin ng kuya ko

"Wala yun." Nakangiti kong sabi sa kanya

"Anong ginawa mo, Sanya?"

"Binabawi ko lang kung ano yung sakin, kuya."

"Bahala ka. Lalong mawawala sayo si Dallas sa ginagawa mo." Sabi nya habang umiinom ng beer

Konti na lang. Akin ka na ulit bah, mabubuo din tong pamilya natin, magkakasama-sama din tayo nila Drake...

Denise's POV

"Uhm, Ma-manong, p-p-pwede po ba ma-makitawag?" Tanong ko dun sa taxi driver

"Nako, iha. Ano ba nangyari sayo? Ito oh." Inabot nya sakin yung cellphone nya

"He-hello, be-bestie?"

Deep Breaths [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon