Denise's POV
*PAK*
"OUCH!" Daing ni Ketchup pagkatapos ko siyang sampalin ng malakas
"Wag ka nga magbiro ng ganyan. Nasaan ba yung kaibigan mo? Di magandang biro to ha!"
"Denise, hindi ako nagbibiro."
*PAK*
Si bestie naman sumampal sa kanya ngayon.
"OUCH! My loves naman!"
"Where's Dallas? Ano na naman bang pakulo to, Michael?" Seryosong tanong ni Bianca.
Napayuko naman si Ketchup habang hawak-hawak padin yung magkabilang pisngi nya.
"Sana nga Denise nagbibiro lang ako, pero alam kong nadaanan nyo din yung kotse nya habang papunta dito. Wala na si Dallas Denise," halos maiyak na si Ketchup habang nagsasalita, lalo namang lumalakas yung tibok ng puso ko.
GOD! HINDI PWEDE! HINDI KAY DALLAS YUN!!!
"Dead on arrival, Denise. I'm sorry."
"No! Hindi yan totoo! Ano ba?! May surprise na naman ba siya?" umiiyak na tanong ko habang pilit na pinaniniwala ko ang sarili kong isa na naman to sa mga panttrip nila magkaibigan.
Hindi naman sumagot si Ketchup at nakatingin lang sa emergency room nang may lumabas na nurse...
"Sir? Dadalhin na po namin yung body ng patient sa morgue. Paki-contact na lang po yung family members and yung funeraria na kukuha sa body ni Mr. King."
Sabi ng nurse kasunod naman na lumabas yung stretcher pero nakataklob na yung patient ng puting tela.
OH MY GOD!
Agad kong hinawakan yung stretcher para pigilan yung mga nurse na nagtutulak nito.
"Ma'am-" pigil sakin nung lalaking nurse, sinamaan ko naman sya ng tingin habang patuloy na tumutulo yung luha ko.
"I'm his fucking wife! So back off!" bulyaw ko sa mga nurse at agad na tinanggal yung kumot na nakataklob sa taong nakahiga.
Shit! No fucking way! Hindi pwedeng mangyari to! Hindi totoo to!
"LOOOOOVEE!!!!"
Agad kong niyakap yung malamig na katawan ni Dallas at diko na napigilan ang sarili kong humagulgol. Wala nakong pakealam kung gumagawa ako ng eksena, wala akong pakealam sakanilang lahat. Sobrang sakit! Pakiramdam ko para akong kandilang unti-unting nauubos.
"Denise/Bestie.." pigil sakin nila Bianca at Ketchup, marahas kong tinabig ang mga kamay nila at muling yumakap kay Dallas.
"Gosh! Love, wake up! Dallas! Please, this is not a good joke! Gumising ka dyan!"
"Dallas!!! Nooooo! Love, please, wake up!"
"I'm sorry, miss. Ginawa na po namin lahat para ma-revive yung patient pero wala na po talaga eh."
"SHUT UP!!!" Sigaw ko sa nurse. Hindi pwede! Paano na ko? Kami ni Hayes?
"Love, sige na naman oh. Gising na! Hinihintay na tayo ng anak natin..."
"Uh, sir? Kailangan na po namin dalhin yung patient sa morgue."
"Denise, tama na yan. Wala na. Wala na tayong magagawa."
Nilayo naman ako ni Chup kay Dallas. Napasandal na lang ako sa wall at umiyak ng umiyak. Wala akong paki kahit pagtinginan ako dito ng mga tao, sobrang sakit, feeling ko pati ako namatay na din.
![](https://img.wattpad.com/cover/119584168-288-k736504.jpg)
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfictie"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...