Sanya's POV
"Mimi, we're home!!!" Sabay na sabi ng mag-ama ko habang si Drake ay tumatakbo palapit sakin.
"Oh? Ba't hindi ka man lang tumawag, dada? Para nakapagluto ako." Tanong ko kay Dallas.
Galing sila ng bakasyon, I don't know pero biglaang nagpaalam sakin si Dallas na magbabakasyon daw muna silang mag-ama to spend more time together, gusto daw nyang maranasan yung naranasan ko nung single parent ako. Pumayag ako kasi pagbalik na pagbalik daw nila magpapakasal na daw kami, habang nasa bakasyon sila ibinalita ko yun kay daddy kaya mabilis kaming nagprepare for engagement party.
"Edi, hindi na surprise yun, kung tumawag ako, mimi. Tsaka nagdrive thru na kami ni Drake oh." napatingin naman ako sa mag-ama ko at pinakita sakin ni Dallas yung dala nilang food.
"Jollibee na naman?" Tanong ko
"Hihihihihi." Tawa naman ni Drake
"Ano pa nga ba? Hahahaha. Musta preparations for our engagement party?" nabanggit ko kasi sakanya na nag-insist si dad na magstart na ng preparations for engagement, ayaw man ni Dallas kasi gusto nya sya ang magaasikaso pero wala na syang nagawa.
"Okay na lahat, bah. Yung susuotin na lang natin kulang."
"Madali na yun, mimi. Tara kain na muna tayo. Baka gutom na tong si Drakey."
"Hindi madali yun ah. Yung gagamitin pa pala natin sa save the date video." Sabi ko habang inaayos yung mga pagkain
"Ba't may ganun pa? Pero sige good idea na meron nun para mas makita nila kung gano kaimportante tong event na mangyayari para satin."
"Eh yung parents mo, dada? Sinabihan mo na ba? Si Bianca?"
"Ako na bahala sa kanila, mimi." Hindi na ko sumagot at sinabayan ko na sila sa pagkain.
"Sup, bro? Ready na pala yung stag party mo." Biglang sulpot ni kuya Jak
"Pwede ba kuya wag mo nga idamay si Dallas dyan sa mga kalokohan mo." Sita ko dito. Nakakainis. Baka mamaya may babae pa syang ihain dito kay dada napakarupok pa naman nito.
"Ayos lang. Loko ka talaga. Di na kailangan yang stag party na yan."
Dallas' POV
5 days nalang engagement party na, lalo kaming naging busy ni Sanya sa pagpprepare, sumasama-sama lang ako pero sya talaga ang nag-aasikaso ng lahat.
Kakatapos lang namin makipag-meet sa planner at coordinator ng engagement at ayun nga, all set na daw ang lahat hinihintay nalang namin yung mismong date.
"Uhmm dada?"
"Bakit?"
"Dika pa nga pala nagkkwento sakin about sa biglaang bakasyon nyo ni Drake." naglalakad lakad kami ngayon sa isang mall dito sa Taguig.
"Aaah ok naman lalo kaming naging close, nun ko lang na-realize na grabe pala yung pagkukulang ko sayo,"
"Eh anu-ano mga ginawa nyo dun? Tsaka san ba kayo nagbakasyon?"
"Ah sa-"
"Sup bro!" napatingin naman ako sa biglang tumawag sakin, naramdaman ko din ang pagkapit ni Sanya sa braso ko.
"Jason,"
"Ano ginagawa nyo dito?" napatingin ako sa kasama nya at agad naman itong umiwas ng tingin.
"Ahh may pinuntahan lang kami kayo?"
"Nakipagmeet kami sa planner at coordinator ng engagement party, sa Thursday na yun punta kayo Jason ah! Denise?" what the fuck! Napatingin naman ako kay Denise at nakita kong masama ang tingin nya saming dalawa ni Sanya at nakita kong napatitig sya sa braso kong hawak ni Sanya.
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfiction"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...