Chapter 8

2.1K 107 4
                                    

Bianca's POV

Andito lang kami sa loob ng kotse ni Dallas nasa tapat na kami ng bahay ni Jason. Yung dalawang babae lang ang bumaba at lumapit sa may gate.

"Omg. Ano to?" Napatingin naman ako kay Solenn na nakaupo sa backseat.

May inangat syang box na di naman kalakihan.

"Akin na nga yan!" Agaw ni Dallas dun sa box.

"Wait lang. Ano muna to?" sabi ni Solenn tas binasa nya yung nakalagay sa box.

"Omg. Condom? Saan mo ginagamit to?" Tinignan ko naman yung box na hawak ni Solenn.

"Wala kang pake. Akin na yan." Tinago naman agad yun ni Dallas sa compartment.

Kadiri talaga to si Dallas! Di pa rin sya nagbabago. Babaero pa rin. Kung di ko lang kailangan tulong nya di ko kakausapin to eh.

Oh my God. Wait. Malinis ba tong inuupuan ko ngayon? Baka may mga ano pa dito. Yuck!

Binalik ko naman yung tingin ko don sa dalawa. Si Alex nasa may gate, si Angge naman nasa kalsada. Anong plano nila?

Angge's POV

Gamit na gamit na naman ang beauty namin ni Alex dito. Kaloka.

"Girl, ikaw na bahala sa guard ako na papasok sa loob." sabi ni Alex sakin

"Go girl! Pwesto na ko don mag doorbell ka na."

Nag doorbell na si Alex at paglabas ng guard ay umacting na kong tumatakbo at nadapa.

"Aray! Tulong!"

"Miss!" Lapit sakin nung guard na mukang adik. "Okay ka lang?" Tinulungan naman ako nitong tumayo at nakita kong pumasok na si Alex sa loob.

"Ah. Yes, kuya. Thank you." Sabi ko sabay hinatak ko sya sa may gilid para kausapin.

Nilibang ko lang yung guard. Natanaw kong bumaba si Dallas sa kotse nya at pa-simpleng pumasok sa bahay ni Jason.

Sumunod naman sila Ketchup. Nakipagkwentuhan pa ko sa guard ng kung ano ano. Nakalimutan na yata nya naiwan nya yung trabaho nya.

Napatayo na ko ng makita kong patakbong lumabas si Alex kasunod si Dallas na may bitbit na babae. Baka sya na yung hinahanap namin.

Tumakbo na rin ako pasakay sa van na dala ni Mike. Doon kami nakasakay lahat bukod kila Dallas.

"Boss!" Sigaw nung guard sabay lapit kay Jason

"Dallas! Tang ina! Tumigil ka! Akin yan!" Sigaw ni Jason at bigla nitong kinuha yung baril ng security nya at nagpaputok.

Dallas POV

Alex calling...

"Hello? Ano may nakita ka ba dyan?"

"Paps, pasok kayo! May naririnig akong umiiyak dito. May bantay sa labas ng kwarto kaya di ako makalapit."

"Sige. Mag ingat ka dyan, papasok na kami." In-end call ko na.

"Dito lang kayo. Bianca, wag kayong lalabas. Kami na bahala sa bestfriend mo."

Lumabas na ko at automatic naman na sumunod sakin sila Ketchup.

Nakita namin si Alex na nagtatago pag pasok namin.

"Alex!"

"Paps, doon sa room na yon. Yung binabantayan nung dalawang pangit." Turo nya sa kwarto doon sa taas.

Deep Breaths [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon