Chapter 22

2K 81 13
                                    

Sanya's POV

"Ano? Sagot?" Mahina pero madiin na sabi ni Rocco

"Eh sa sya naman talaga ang tatay ni Drake,anong gusto mo ikaw?" Taas kilay kong sagot sa kanya

"Posible naman, may nangyari din naman satin diba?" nakangiti ito ng nakakaloko habang derechong nakatitig sa mata ko.

"Wag na wag mong ipapaalala sakin yang kababuyang ginawa mo saking hayop ka, natatakot lang akong malaman ni Dallas ang tungkol dun dahil pandidirihan nya ko dahil kung hindi nasa kulungan kana noon pa, at isa pa wag kang mangarap na may nabuo ka nung mga panahong binaboy mo ko dahil sa ginawa mong yun lalo mo lang pinakita sakin kung gano ka kaduwag, ako lang ang kaya mo? Wala kang bayag Rocco."  madiin at puno ng galit ang mga salitang binitiwan ko sakanya, nawala naman ang nakakalokong ngiti sa mga labi nya at nakatingin nalang ito sakin.

"Sinasayang mo lang oras ko, aalis na ko." Dali dali akong tumayo at umalis

"Hindi pa tayo tapos, Sanya." rinig ko pang sabi ni Rocco. Hindi ko na lang pinansin at bumalik na sa hospital

Nakita kong nasa labas ng room ni Drake si Dallas. Nakakuyom yung mga kamay nya habang palakad lakad.

"Dallas?" Tawag ko sa kanya

"Buti naman bumalik ka na. May sasabihin ako sayo." Cold nyang sabi sakin

"Ano yun?"

"Sakin muna uuwi si Drake paglabas nya dito sa hospital."

"What? No." Matigas na sabi ko dito.

"No? God damn it Sanya! Pinapabayaan mo yung anak ko. Mas mabuti pa siguro kung ako ang kasama nya at hindi ikaw!" Pa-sigaw na sabi nya

"Hindi ko pinabayaan si Drake, Dallas."

"Kung hindi eh bakit andyan sya sa loob ng kwarto na yan?!"

"Pwede bang wag ka sumigaw? Ok, I'm sorry."

"Love, gising na si Drake. Hinahanap ka nya. Sanya, andyan ka na pala. Pasok na kayo. May bibilhin lang ako." Mabilis naman pumasok si Dallas sa room ni Drake.

Hindi ako papayag na masira ni Rocco lahat ng pinaghirapan ko...

Dallas' POV

"Drakey? Thank God you're safe." Sabi ko tsaka umupo sa tabi nya

"Dada, let's go home."

"Pag magaling ka na, uuwi na tayo. Kaya magpagaling ka ha?" Hinawakan ko yung kamay nya at hinalikan yun.

"Drake, gusto mo kumain?" tanong ni Sanya pero umiling lang si Drake.

"Are you sure baby? Hindi ka ba nagugutom?" Paninigurado ko sa kanya baka ayaw lang kasi nito kay Sanya eh

"Later na lang po dada. Wait natin si mama."

"DRAKE!!!" Sigaw ni Sanya. Napayakap naman sakin yung anak ko.

"Ba't mo sinisigawan si Drake?!" Tanong ko dito. Napaiwas naman sya ng tingin sakin

"Uhh, Dallas... Uuwi muna ko, ikukuha ko lang ng gamit si Drake." Paalam ni Sanya. Tinanguan ko naman sya. Medyo  galit pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari kay Drake.

"Dallas? Kumusta ang apo ko?" Nagmamadaling pasok ni dad sa room ni Drake

"Papsie!" Masayang bati ni Drake

"He's fine. I guess." Sagot ko kay dad

"Kilala mo ba kung sino ang nagdala sa kanya dito? Sino nakabangga sa kanya?"

Deep Breaths [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon