Dallas POV
"Ano?" sabay sabay nilang tanong sakin.
"Bakit? Kailangan ko bantayan si Bianca." sagot ko sa kanila.
"Sasamahan kita, paps!" sabi ni Ketchup. Tinaasan ko lang to ng kilay.
"Si Bianca ba talaga o si Denise?" biglang tanong ni Kat
"Bahala kayo dyan aakyat muna ko, pag may gusto kayo sabihin nyo na lang sa mga maids." sabi ko sa kanila
"Wait, Dallas! Aalis na kami nila Angge. Magbobonding kaming mga girls. Wanna join?" Loka talaga tong Kat na to.
"Hindi na. Ingat na lang kayo. Alam nyo na siguradong babalikan tayo nang unggoy na yon." paalala ko sa kanila
"Yes paps---" di natuloy ni Alex yung sasabihin nya bigla kasi nagsalita si Mike
"Samahan ko na kayo, girls." Sabi nito
"Wala ka bang lakad ngayon, papa Mike?" tanong sa kanya ni Angge at umiling lang sya't sinabing
"Gym lang pero mamaya pa naman yun."
"Sige na. Ingat kayo ah. Mike, ikaw na bahala sa kanila." sabi ko nagsitayuan naman silang lahat sabay beso samin
"Ingat, girls, tol!" sabi ng mga kasama ko dito sa mga girls tsaka kay Mike
"Tawag lang pag may problema." Pahabol pa ni Alwynn
"Tara sa garden nyo bayaw para makapagyosi." yaya samin ni Ketchup at nauna na syang lumabas
"Tangina. Tigilan mo nga kakatawag sakin ng bayaw." Sigaw ko dito
"Di mo ba tanggap si Chup para sa utol mo, Dallas?" tanong ni Gabby sakin.
"Hindi." Nalungkot naman yung mukha ni Ketchup kaya nagsalita ako ulit "Biro lang. Na kay Bianca pa rin yung desisyon." sabi ko sabay sindi ng yosi.
"Ayun oh!"
"Inuman na yan!"
"Lakad mo naman ako, tol."
"Nako, Chup. Di kami close. Bahala ka na dumiskarte don."
"Mukhang may galit nga sa mga lalaki yung tatlong yon. Ang gaganda pa naman. Lalo na si Denise." biglang sabi ni Ruru kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Ooops. Hahahaha. Chill, paps. Yung isa yung type ko." sabi pa ulit nya nang mapansin nyang masama yung tingin ko sa kanya.
"Master, andyan na po yung doctor." lapit sakin ng isa sa mga body guard ko.
"Pahatid mo doon sa taas." sabi ko na lang
"Wala bang maiinom dyan paps. Swimming na rin tayo para magamit naman tong pool nyo." yaya naman ni Alwynn samin.
"Teka." sabi ko tsaka tinawag yung bodyguard ko
"Bam, kuha mo nga kami ng alak sa loob. Tsaka magpaluto ka ng makakain namin at nila Bianca."
"Yes, master."
"Balita pala sa meeting mo kahapon, paps? Nagustuhan ba nila yung game?" tanong sakin ni Kean.
Kasama ko to dati sa trabaho kaso nagresign. Nag bar business na lang, business partner nya si Ketchup at Alwynn. Pero lahat naman kami sa grupo "techy" wala lang sa mga itsura namin.
Si Gabby sa company ng daddy nya nagtatrabaho. Si Mike ganoon din, si Ruru naman graduating na pero ayaw pa nya mag work after nya grumaduate. Chill daw muna sya.
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fiksi Penggemar"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...