Dallas' POV
Vacation's over... Back to reality!
"Love?"
"Hmm?"
"Tumawag sakin si mommy. Uuwi na daw sila."
"So, babalik ka na rin sa inyo, love?"
"Syempre. Parang ayaw ko na nga umuwi eh. Ngayon pa ba may gustong bumalik sa buhay mo? Kung pwede lang itali ka sa tabi ko gagawin ko." Eeehhh kinikilig naman ako!
"Don't worry, love. Sayong sayo lang ako."
"Dada!"
"Drake?" Yumakap naman sya sakin
"Hay nako!" bulong ni Denise
"Bah, can we talk?"
"Uh, Sanya, pasensya na nagmamadali kasi kami eh."
"Love, sige na mag-usap na kayo. Ako na muna bahala kay Drake. Halika, baby. Dun muna tayo." sabi nya tsaka niyaya si Drake para lumayo ng kaunti.
"Mimi?" Parang nag-aalangan pa yung bata kung sasama sya o hindi
"Sige na, anak. Mag-uusap lang kami ni dada."
"Anong pag-uusapan natin, Sanya?"
Sanya’s POV
"Bah, maha---"
"Sanya, tama na. Sabihin mo na kung anong sasabihin mo."
"Bah, hindi ko naman gustong iwan ka eh. Hindi ko rin alam na buntis ako nun. Ipit na ipit lang ako sa sitwasyon kaya ko nagawa yun. Kaya please, sana bigyan mo kami ng chance ni Drake."
"Anong sitwasyon sinasabi mo?"
"Pinapili ako nila papa kung ikaw o yung bata. Sorry, bah."
"Ano? Wala naman tayong problema sa parents mo diba?"
"Akala mo lang wala. Pero hindi nila gusto yung relasyon natin. Lalo pa nung nalaman nilang buntis ako."
"Teka, naguguluhan ako. Ano ba talaga nangyari?"
"Nung nalaman nilang buntis ako nagalit sila sakin. Paano raw kung labas yung bata na kagaya mo... Pero pinilit ko pa rin ipaliwanag sa kanila na hindi mangyayare yun kaya lang..." Naiiyak na paliwanag ko sa kanya
"Kaya lang ano?"
"Pi-pi-pinilit nila ako na hiwalayan ka. Da-dahil kung hi-hi-hindi ipapalaglag nila yung dinadala ko nun." Wala na. Naiyak na ko nang tuluyan
"Ba't hindi mo sinabi sakin? Kaya naman kitang buhayin kung itatakwil ka nang papa mo."
"I-i'm sorry, bah. Pero di ko kayang mawala yung pamilya ko pati na rin yung anak natin. Akala ko kasi mahihintay mo ko, hindi pala."
"At ako kaya mo kong mawala sayo? That's bullshit, Sanya!" Pasigaw na sabi nito
"I'm sorry. Please give me a chance. Give us a chance."
"Sorry too but no. May girlfriend ako at mahal ko si Denise."
"Kami ba ni Drake, hindi mo na mahal?"
"God! Sanya, wag mo na ipilit yung sarili mo sakin. Kung yung bata, oo matatanggap ko pa pero ikaw, sorry pero hindi na talaga."
"Pero si Drake, matagal na nyang gusto na mabuo yung family natin."
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfiction"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...