Denise's POV
"San mo ba ko dadalhin? Pwede bang i-uwi mo na ko?" Inis na tanong ko sa bwiset na to.
"Mag-uusap tayo."
"Ba't kailangan pang lumayo? Tingnan mo nga naka tsinelas lang ako."
"I don't care. Magde-date tayo." Kanina usap lang ngayon date na and worst ide-date nya ko ng naka-tsinelas!?
Since wala naman na kong magagawa, hinayaan ko na lang sya magdrive. Bahala sya kung saan nya ko dadalhin. Tumahimik na lang ako sa tabi nya.
"Love? Love, gising. Andito na tayo." Nakatulog pala ako.
"Nasaan tayo?"
"Basta. Halika na. Dun tayo sa may taas."
"Wow! Lagi ka bang andito? Sobrang ganda." Sabi ko ng makaakyat kami. Sobrang ganda ng view dito.
"Minsan lang. Pag gusto ko magrelax. Love, sorry kung nawalan ako ng time sayo. Pangako, hindi na mauulit yun." Biglang sabi ni Dallas at hinawakan pa yung kamay ko.
"Okay lang sana kasi kung si Drake lang eh, kaso parang pati yata yung ex mo na yun kaagaw ko din sa atensyon mo." Malungkot kong sagot sa kanya
"Love, no! Yung nakita mo kanina wala yun."
"Wala? Eh, para kayong happy family kanina. Feeling ko tuloy, ako yung hadlang para mabuo yung family nyo."
"God. No, please wag mo isipin yan. Hindi na kami mabubuo kasi hindi ko na naman mahal si Sanya. Kayo ni Drake ang mahalaga sakin. Sana nga ikaw na lang yung mommy nya eh."
"Hahahaha. Hindi bale na magkakaroon din naman tayo ng sarili natin baby."
"WHAT? BUNTIS KA?" Gulat na gulat na tanong ni Dallas.
"Gago! Hindi no!"
"Eh, ba't sa---" di ko na sya pinatapos. Hinalikan ko sya sa lips nya.
"I love you, love. Pasalamat ka hindi ko pinapakinggan si bestie kanina."
"Mahal kita, Denise. Mahal na mahal." Eeeehhh kilig ako! Sya naman ang humalik sakin ngayon. Grabe. Sobrang na-miss ko yung mga ganitong moment namin ni love.
Sanya's POV
Napag-usapan namin ni Dallas na hatid sundo na lang si Drake. Si Drake na lang, hindi na ko kasama. Napaka-selosa naman pala kasi nung Denise na yun!
"Drake, wag magpapasaway kay dada huh?"
"Yes po, mimi."
"Sanya?" Yung boses na yun. Ba't nagpakita pa sya?
"Sanya, kumusta? May anak ka na?" Kapal ng mukha nito para kumustahin ako.
"Oo," matigas na sagot ko.
"Mimi who is he?" tanong ni Drake habang nakaturo sa impakto.
"Impakto baby,"
"What? Impa--"
"Aww that's bad kid don't say bad words ok? Sanya wag mo namang tinuturuan ng masama yang bata. So by the way who's the lucky guy? Wala ka namang singsing so hindi ka pa kasal?"
"Dada!"
"Hello, baby! I missed you." sabi ni Dallas at ginulo ang buhok ni Drake
"King? Tingnan mo nga naman. Kayo pa rin pala? At may anak pa kayo?"
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfiction"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...
![Deep Breaths [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/119584168-64-k736504.jpg)