Denise's POV
May practice dapat ako ng race ngayon kaso lang wala ako sa mood, kaya magkukulong na lang ako dito sa room ko... Namimiss ko na si Dallas pero naiinis pa rin ako sa kanya.
Bukod sa flowers ilang araw na rin nagpapadala ng kung ano ano yung mokong na yun. Malapit na nga maging flower shop tong bahay namin eh.
"Denise? Iha, andyan si Dallas sa baba. Hinahanap ka." Sabi ni manang habang kumakatok sa room ko
"Manang pakisabi po tulog ako."
"Eh, iha..."
"Love naman. Kausapin mo na naman ako."
"Ayaw ko. Umalis ka na."
"Please, Denise."
"NO."
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ko kinakausap."
"Hindi rin ako lalabas dito hangga't andyan ka."
"Love, please let me explain everything."
"Fuck yourself, Dallas. Umalis ka na."
"Hays... Manang babalik na lang ho ako." Sabi nya kay manang
"Che! Wag ka na bumalik!" Sigaw ko sa kanya
Gusto ko man kausapin si Dallas mas nangingibabaw pa rin yung galit ko. Hindi ko pa rin matanggap na nakipagsex sya kay Sanya. Kinuha ko naman yung laptop ko. Magmomovie marathon na lang ako.
"Denise, iha, may bisita ka." Katok ulit ni manang. Ang kulit naman ni Dallas!
"Manang pakisabi po kay Dallas umalis na sya."
"Iha, hindi si Dallas. Sila ma'am Bianca ang nandito at may kasamang clown... este mukhang clown pala."
"Paakyatin nyo na lang po dito." sabi ko tsaka binuksan yung room ko.
"Deniseeeee!"
"What the? Girls!!! Musta? God. Long time no see! Hi, lovers!" Bati ko kay Sos at Heart tsaka kay Bianca at Ketchup.
"We're good. Ikaw dapat tanungin namin nyan. Kamusta ka na, girl?" Tanong ni Sos
"Ayos lang." Matamlay na sagot ko naman
"Hay nako. Uminom na lang tayo. My loves paki akyat na yung mga binili natin." utos ni Bianca kay Chup
"Your wish is my command, my loves!"
"Oh my god. You are so corny!" Maarteng sabi ni Heart. Haha. Totoo naman ang corny talaga.
"Inggit lang kayo wala kayong lovelife!"
"Ikaw na. Sayo na ang korona Bianca King!" sabi ko
"Omg. Sorry, bestie!"
Dallas' POV
Grabe naman si love... Ganun ba kalala yung ginawa ko? Hindi ko naman sinadya yun ah... Nakainom lang ako nun tsaka akala ko nga sya yung ka-sexy time ko eh. Si Sanya pala.
Sanya calling...
Speaking of...
"Hello?"
"Bah, where are you?"
"Papunta sa office. Galing ako kila Denise."
"Bati na kayo?"
"Hindi pa, Sanya. Ayaw pa rin nya ko kausapin."
"Aw. Don't worry, bah. Everything will be okay."
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfiction"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...
![Deep Breaths [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/119584168-64-k736504.jpg)