Chapter 5

2.4K 88 4
                                    

___ POV

"Girl, si Dallas oh."  sabi ng best friend ko sabay turo sa may smoking area.

Sinundan ko naman yung tinuro nya at nakita ko si Dallas kaya yung mga mata ko pumupuso na.

"Go na, girl! Hanggang tingin ka na lang ba?"

"Nahihiya ako eh. Anong sasabihin ko sa kanya?"

"Kaloka. Ba't ka nahihiya? Mas maganda ka pa nga sa ibang babae nyan."

"Ano nga sasabihin ko? Paano ko sya iaapproach? Tsaka maayos ba itsura ko? Tingnan mo nga."

"Nagyoyosi sya. Edi, magyosi ka rin. Hiraman mo ng lighter. Tsaka, girl bongga ka today. Basta pag nandon ka na sa harap nya, pakita mo yung magiging future nya sayo. Hahahaha."

"Bakla ka talaga! Hindi naman ako nagyoyosi no."

"Hawakan mo lang." Inabutan nya ko ng sigarilyo tas tinulak tulak nya na ko. "Bilisan mo na baka biglang umalis yan."

Okay. Ito na. Finally! Lalapitan ko na sya. Matagal ko ng gustong gawin to.

"Miss?" Dedma. Tumingin naman ako sa direksyon ni bakla. Pero sumenyas lang sya ng "kaya mo yan!"

"Excuse me, Miss." ulit ko.

"Yes?" OMG. Pogi talaga. Pati boses ang pogi.

"Hihiram lang sana ako ng lighter. Ayaw na kasi sumindi nung sa akin."

Hala. Nagulat ko yata sya. Hihihi. Pero ang cute nya talaga.

"Pwede bang pahiram?"

"Huh? Sure!"

"Thanks. Dito ka rin ba nagtatrabaho?" tanong ko kahit alam ko naman na yung sagot.

"Yes, ikaw ba dito ka rin? Parang ngayon lang kita nakita."

Parang ang awkward nya na ewan. Bakit di sya makatingin sakin? Pangit ba ko?

"Doon ako sa kabilang building." sagot ko na lang sa kanya. Di naman sya nakatingin sakin, paano ko ituturo?

"Uhm. Gusto ko sana mag coffee kasama ka, okay lang ba?"

Please say yes!!!!

"Yeah, sure. Just let me know when and where." She said as she hands me her phone.

Waaaaaaaaah!! Hihingin nya ba number ko??

"Pakilagay yung number mo."

OH MY GOD. Teka, bat sya yumuko? Nahihiya sya sakin? Ughhhhh. Ang cute!! Gusto ko sanang kurutin yung cheeks nya kaya lang di pa kami close. Kaya habang nakakapagpigil pa ko, binalik ko na yung phone nya. Sinabi ko na lang rin na tawagan or imessage nya ko para meron din ako ng number nya.

"Wait, miss. Hindi mo pa sinasabi yung name mo."

Humarap naman ako ulit sa kanya.

"Oh, I'm Kim." sabi ko sabay kiss sa cheeks nya. Hindi ko na natiis. Hihihi. Lumakad na ko palayo at iniwan syang nakatulala don.

Dallas POV

Holy shit! Nanghahalik ng wala man lang paalam! Kung nag paalam sya baka sa lips ko pa sya naka kiss. 😆

Di bale may next time pa naman, di ko lang sya sa lips ikikiss sa susunod pati sa pakwan nya. 😳

Yung pakwan ang laki. Walang wala yung papaya ko last night. Hahahaha.

Deep Breaths [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon