Chapter 13

2.3K 101 7
                                    

Dallas' POV

Paano ba manligaw? Hindi kasi talaga ako marunong. Hindi pa ko nagkaka-girlfriend eversince. Marami akong nakakasamang girls pero hanggang don lang yun.

"May marunong ba manligaw sa inyo? Ikaw Chup? Pano mo liligawan si Bianca?"

"Wala rin akong maisip na pakulo eh. Pero siguro yayain ko na lang muna sya lumabas."

"Dalhin mo sa themed park!" suggest ni Ruru

"Corny mo naman. Yayain mo manood ng movie paps." mas corny yata tong suggestion ni Gabby

"Haranahin mo na lang."

"Tama! Tutulungan ka namin. Marunong ka naman tumugtog diba?" sang ayon ni Kean kay Alwyn.

Harana? Old school pero romantic.

"Anong kakantahin ko?"

"Mamaya punta ka sa bar. Doon natin pag planuhan yan."

"Wala bang ibang place? Iwas muna ko sa mga ganyan." Ayaw kong pumunta sa bar kasi maraming tukso don.

"Ikaw ba yan, paps? Hahahaha. Sa studio na lang kung ayaw mo sa bar. Para may mga gamit din tayo."

"Sige. Tawagan mo ko pag andoon na kayo bro."

"Alis na ko tol. Dami ko pang trabaho sa office. Try ko sumunod mamaya sa studio." paalam ni Gab

"Sabay na kami, paps. Mamaya na lang."

"Sige mga tol. Ingat kayo." sabi ko sa kanila. hinintay ko muna silang makaalis bago pumasok sa loob.

Kakausapin ko si Bianca. Magpapaalam ako sa kanya tsaka tatanungin ko na rin kung kailan darating yung parents ni Denise.

Naligo muna ako. Parang dumikit sakin yung amoy ni Faye eh. Hahaha. Nakakahiya naman. Pag tapos ko pumunta na ko sa room ni Bianca. Kumakatok ako pero walang sumasagot. Nasaan ba sila? Pinihit ko yung door knob, nakabukas naman kaya pumasok na ko. Pero dapat yata hindi ko ginawa yun.

"OH MY GOD. WHAT ARE YOU DOING HERE?" sigaw ni Denise na kakalabas lang ng bathroom at naka robe lang. Fuck. Ang init.

"Sorry! Sorry!" sabi ko tsaka tumalikod at lumabas. pag sara ko ng door nakita ko si Bianca paakyat.

"Dallas? Anong ginagawa mo dyan? Bat namumula ka?"

"Uh... Punta ka sa garden. Usap tayo." sabi ko at aalis na sana ako dahil kailangan ko ng sariwang hangin kaso biglang lumabas si Denise

"Dallas, bat ka bigla biglang pumapasok sa loob? Di ka ba marunong kumatok?" nang aakit na taning ni Denise

"Huh? Wait nga. Pumasok ka sa loob ng room ko?" naguguluhang tanong ni Bianca

"O-oo. Hi-hinahanap kita eh. Kaya lang sya yung nakita ko. Tsaka kumatok kaya ako! Walang sumasagot kaya pumasok na ko." Utal kong paliwanag. Paano ba naman kasi? Si Denise naka robe pa rin. Nang aasar yata to eh.

"Bianca, hintayin kita sa baba." sabi ko tsaka umalis na. Grabe ang hot ng future wife ko.

Denise's POV

Di ko alam kung maiinis ako o kung matatawa akonkay Dallas. Paano kung lumabas ako ng walang suot? Pero yung mukha nya ng makita nya ko na naka robe lang, nakakatawa! Lalong lumaki yung mata nya tapos namumula pa sya. Hahahaha.

"Bestie, may nangyari ba sa inyo sa loob? Bat ganon itsura nun? May nakita ba sya na hindi dapat makita?"

"What? Wala no! Ganito na yung suot ko nung pumasok sya." sabi ko at pumasok na sa room ni bestie.

Deep Breaths [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon