Chapter 21

2K 96 9
                                    

Denise's POV

"Sino kang gago ka?!" Hala. Ba't nagmumura yun? Kasama nya si Drake tapos ang lakas magmura!

"Love? Sinong kaaway mo?" Nilapag na nya ulit yung phone nya at nagsimula ng maglagay ng food sa plate namin.

"Wala yun, love."

"Ba't ka nagmumura? Narinig ka ni Drake oh. Mamaya gayahin ka nyan eh." Mahinang sabi ko sa kanya. Si Drake naman enjoy pa rin sa pagkain nya.

"Love, pwede ba dito ka muna ulit magstay?"

"Why? May problema na naman ba? Sino ba yung tumawag sayo?" Sino ba kasi yung tumawag dito? Hindi kaya si Jason the creep?

"I'll tell you later. Kain muna tayo."

"Mama, I'm finished na po."

"Very good! Now, go to your mamsie and papsie in the garden, they are looking for you." Kagabi pa sya gusto laruin ni tita at tito kaso nung dumating sila tulog na si Drake.

"Pwede po ako magswim, dada?"

"Ok, go. Tell your papsie to go with you. Later, I'll take you home na to your mimi." sabi ni love at parang nalungkot naman si Drake.

"Dada, no. Dito lang po ako." tumingin naman sakin si Drake "Mama?" Kung pwede lang hindi na sya ibalik kay Sanya...

"Sige na, baby. I'll talk to dada. Go to your grandparents na." bagsak ang balikat nya na lumabas sa kitchen. Kawawa naman.

"Love, sabihin mo kaya kay Sanya dito muna si Drake."

"Ayan nga rin plano ko, love. Yung tumawag kasi kanina sabi bantayan ko daw kayo maigi eh. Nagbabanta."

"Oh my god! Sino yan? Si Jason?"

"No, love. Basta. Dito ka muna. Kakausapin ko si Sanya mamaya kung pwede dito na muna si Drake." Sus. Buti kung pumayag yung babaeng yun!

Ketchup's POV

(Flashback)

Kami lang ni my loves yung andito sa table. Yung mga kasama namin ayun nasa dance floor. Mga lasing na.

"My loves kailan mo ba ko sasagutin?" tanong ko kay Bianca.

"Guys, tara sayaw tayo!" Lapit samin ni Angge at Alex

"Kayo na lang, girl. Hindi ako sumasayaw eh."

"Sige teh, samahan na lang kita dito. Ikaw Chup, sumama ka kila Angge!" sabi naman ni Alex at hinatak ako patayo sa kinauupuan ko

"My loves dun muna ako ah?" Pucha. Parang nahilo naman ako pagtayo ko. Tumango lang naman si Bianca. Hayyy.

"Chup, gusto mo ba pagselosin natin yan si Bianca?"

"Tangina Angge! Kung ano man yang pinaplano mo wag mo na ituloy. Masakit manampal si Bianca."

"Hindi yan. Halika na! Sayaw tayo. Hahahaha. Mike! Gab!" Aya nya sabay tawag dun sa mga kasama namin na may mga kausap na babae. Mga babaero talaga eh, pati tuloy ako na good boy nadadamay.

"Game na ba, Angge?"

"Teka lang, Gab! Kausap pa ni Alex oh."

"Mga tol naman ano ba tong plano nyo?" Medyo kinakabahan na ko sa gagawin nila.

"Ayan na. Ayan na." lasing na talaga tong mga to. Nagulat naman ako ng hawakan ni Angge yung mukha ko at hinalikan ako ng sobrang wild at hinawakan din nya yung alaga ko.

Deep Breaths [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon