Chapter 17

2.7K 99 8
                                    

  Denise's POV 

 Mabilis akong tumakbo papunta sa room namin. Ba't di nya sinabi sakin? Imposible namang hindi nya alam yun diba? Anak nya yun eh! 

 "Girl, what happened?" 

 "Denise, ba't ka umiiyak?" 

 "Nasaan si Dallas?" 

 Umiiyak pala ako. Di ko sila pinansin at dirediretso akong nagpack ng mga gamit ko. 

"Bestie, please calm down." 

 "Denise, mag salita ka naman? Nasaan si paps?" 

Tiningnan ko ng masama si Ketchup."Alam mo bang may anak yung magaling mong kaibigan?!"  galit na tanong ko sakanya.

 "Wala. Wala akong alam." 

 "Teka, Denise, saan mo ba nakuha yang balita na yan?" Tanong ni Gabby. Andito pala silang lahat sa room namin. 

 "May batang lumapit sa kanya. Sabi nung bata si Dallas daw yung dada or daddy nya." 

 "Sinong nanay? Nakakaloka to teh! Ba't di natin alam?" Nakahawak sa ulo na sabi ni Angge. Pati sila na-stress na. 

 "Sanya. Sabi nung bata Sanya daw pangalan ng mommy nya." Parang nagtaka naman yung mga boys. Si Ketchup lang bukod tangi na nagulat. 

 "Sanya?" 

 "Sino yun?" 

 "Kilala nyo ba yun, guys?" 

 "Hindi, Denise. Parang wala naman kaming nakilalang Sanya." sagot sakin ni Alwyn 

"Baka isa sa mga naka one night stand ni Dallas?" 

 "Hindi din siguro. Kilala natin yung mga nadadale nun eh." 

 "Ketchup?" 

 "Ba-bakit?" utal nitong tanong sakin. May alam to! 

 "Sabihin mo na yung nalalaman mo, Ketchup! Pag di mo sinabi di ako makikipagdate sayo!" sabi ni Bestie 

"Uh... Uh... Si... Si... Sanya... Ano... Uh... Ex-girlfriend sya ni Dallas." 

 "Tangina." 

 "Ba't di namin alam?"

 "Akala ko di pa nagkaka-girlfriend si Dallas?" 

 "Grabe. Nagsikreto kayo samin."Mga reaction nang mga barkada nila. Ako naman di makapagsalita. Patuloy lang ang pag agos ng mga luha ko at pagaayos ng gamit ko. 

 "Bestie, tahan na. Di pa naman tayo sure kung kay Dallas nga yun eh." Niyakap ako ni Bianca. 

 "Ketchup, kailan naging girlfriend ni Dallas yun?" 

 "Nung college tayo. Blockmate namin si Sanya. Tumagal din nang almost two years yung relationship nila kaso yun nga five years ago nakipagbreak si Sanya kay Dallas at nawala na lang ng parang bula." 

 "Tangina nyo. Ba't nilihim nyo samin?" galit na sabi ni Alex.

 Dallas' POV

 "Guys, I'll explain later. Iwan nyo muna kami ni Denise." Lumabas naman silang lahat. Huling lumabas si Bianca. 

"Ayusin mo to." may diin na sabi nya at tumango naman ako. 

 "Love, please let me explain. Pakinggan mo ko." pagmamakaawa ko habang kinukuha yung mga damit sa kamay nya. 

Deep Breaths [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon